Fifty-second Tears

642 12 0
                                    

Hinihintay kong sagutin ako ni Beatrice ngunit sa itsura pa lang niya malabong mangyari. Sa ngiti niya na pilit at hindi makatingin ng diretso sigurado ako hindi niya kayang ibigay ang hinihingi ko.

“Matulog na tayo. Hindi ka puwedeng magpuyat,” sabi niya sa mahinang boses.

Galit ba siya? Nagtatampo o nalulungkot? Dahil kina Hana at Dylan nagkakaproblema na naman kaming dalawa. Hanggang kailan ba sila magiging balakid sa buhay namin ni Beatrice?

Tumalikod siya sa akin. Inayos niya ang pagkakalagay ng unan saka humiga na. Yayakapin ko sana siya patalikod nang pumasok sina Ace at Mirielle. Parehong may dalang unan. Patakbo ang dalawa papunta sa amin. Napabangon si Beatrice dahil sa ingay nila.

“Daddy, Mommy can we sleep here?” Ace asked.

“Daddy ngayon lang po kita makakatabi sa pagtulog. Puwede po ba?” nakangusong tanong naman ni Mirielle.

Nagkatinginan kami ni Beatrice. Nakaramdam ako ng lungkot ng agad niyang iniwas ang tingin. Wala akong nagawa kung 'di ngitian ang mga bata kahit kumikirot ang puso ko.

“Come to Daddy,” utos ko.

Binuka ko ang mga braso ko para yakapin sila. Nag-uunahan ang dalawa na makaakyat sa kama. Pagkasampa nila sabay nila akong niyakap. Muntik na akong matumba mabuti na lang hinawakan ni Beatrice ang likod ko.

“Matulog na tayo?” tanong ni Beatrice.

“Opo,” sabay na sagot ng dalawa.

Humalik ako sa pisngi ni Ace at Mirielle. Gano'n din ang ginawa ni Beatrice. Inayos niya ang pagkakumot nila. Hahalikan ko sana siya ngunit agad siyang humiga. Kahit man lang sana sinabihan niya ako ng goodnight masaya na ako. Makakatulog kaya ako nito ng mahimbing?

-----

Paggising ko wala na sila sa tabi ko. Alas siyete na pagtingin ko sa orasan. Late na ako nagising. Hindi ako nakatulog ng maayos. Pinagmasdan ko sila habang natutulog siguro madaling araw na ako dinalaw ng antok. Pagtingin ko sa side table may nakalagay na isang basong tubig. Kaugalian ko na kasing uminom pagkagising. Lihim akong napangiti kilalang-kilala talaga ako ni Beatrice. Nakahanda na rin ang damit ko at tuwalya. Nakapatong ang mga iyon sa ibabaw ng mini table. Handa na rin ang toothbrush ko pagpasok ng banyo. Lumawak ang ngiti ko sa labi dahil inihanda lahat ng iyon ni Beatrice. Ibig sabihin hindi siya galit. Kung hindi e ano?

Pagdating ko sa hapag kainan abala si Beatrice sa pagaasikaso kina Ace at Mirielle. Nilalagyan niya ng pagkain ang plato nila saka pinupunusan ang kanilang bibig.

“Good morning,” masaya kong bati.

“Good morning, Daddy!” sigaw ng dalawa.

Humalik ako kina Ace at Mirielle. Lumapit ako kay Beatrice at hinapit siya sa baywang. Akala ko tatanggalin niya ngunit hindi siya pumalag kaya hinalikan ko siya sa kaniyang noo.

“Good morning wife,” bulong ko.

“Good morning,” mahina niyang sabi.

Lumukso sa tuwa ang puso ko. Akala ko iiwasan niya ako at hindi papansinin. Ibig bang sabihin okay na sa kaniya? Umupo ako at si Beatrice na ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Nang sinimulan ko nang kumain umupo na rin siya. First breakfast namin na kumpleto at sama-sama.

Pagkatapos kumain inihanda niya ang gamot ko. Ililigpit pa sana ang pinagkainan namin nang hinawakan ko ang kamay niya.

“Hindi mo na trabaho iyan. Hayaan mo na sila ang gumawa.” Tukoy ko sa kasambahay.

Tipid siyang ngumiti sa akin. “Okay. Gusto mo ng kape?” tanong niya.

Umiling ako. “Gusto ko dito ka lang sa tabi ko.”

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now