Forty-fifth Tears

701 11 0
                                    

Napako si Primo sa kinatatayuan niya. Hindi makagalaw o makapagsalita. Matamang nakatingin lang siya sa amin ni Enan, tingin na nasasaktan. Nagtama ang aming mga mata kasabay nang pagbagsak ng luha niya. Napahigpit ang pagkahawak ko sa braso ni Enan.

“Beatrice,” mahinang tawag niya.

“Pumasok ka muna sa loob,” utos ko na hindi inaalis ang paningin kay Primo.

“Pero-” tinaas ko ang aking kamay para patigilin siya at sinenyasan na pumasok.

Mabagal siyang naglakad papasok sa loob ng bahay. Nang tuluyan na siyang nakapasok lumapit ako kay Primo.

“A-akala ko umalis ka na.”

Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso. Napakapit ako sa laylayan ng aking uniporme. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tumitig sa aking mga mata.

“Si Enan ba? Siya ba ang taong iniwan mo na dapat mong balikan? E, ako?”

Napatitig ako sa sunod-sunod niyang katanungan. Hindi ko siya sinagot hinayaan ko lang na nakatitig sa kaniya. Magkapako lang ang tingin naming dalawa. Nababahid ang inis sa kaniyang mukha. Nagulat ako nang ipaglapat niya ang noo naming dalawa. Bumilis ang kabog ng puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Mas lalo pang dumoble ang tibok niyon nang marinig ang katagang lumabas mula sa kaniyang labi.

“It's always been you, Beatrice. Always been that made my heart skip beats over and over and reminds me am not alone. That sets my heart on fire and leaves me breathless.”

Napalunok ako sa kaniyang sinabi. Hindi niya inalis ang titig sa akin na may bahid ng luha. Nananakit na ang lalamunan ko  para lang pigilan na maluha. Umiling ako, hindi ko na napigilan na umiyak na kaniyang ikinagulat. Wala akong pakialam kung marinig ni Enan at mga kapitbahay ang pag-iyak ko. Tinanggal ko ang pagkalapat ng aming noo pati na rin ang kamay niya sa balikat ko. Bahagya akong lumayo sa kaniya.

“H-hindi na ako babalik sa'yo, Primo.”

Nanlaki ang mga mata niya sa katagang binitawan ko. Napansin ko ang pagtaas baba ng kaniyang adams apple. Hindi niya inalis ang titig sa akin kahit na walang tigil ang pagdaloy ng kaniyang luha. Napahawak ako sa aking dibdib. Nasasaktan ako.

“B-bakit? Ipaliwanag mo sa akin.”

Puno ng luha ang mga mata ko nang tiningnan ko siya. Dahan-dahan kong pinunasan gamit ang aking kamay. Nakatayo pa rin siya pero animo'y kandila na unti-unting nauubos. Nasasaktan din siya.

“S-sa tuwing nakikita kita bumabalik ang lahat ng ginawa mo sa akin. Mula sa pananakit mo hanggang sa masasakit mong salita. Nung tinutukan mo ako ng baril sa ulo natakot ako para sa sarili ko. Doon ko napagtanto na nakakatakot kang mahalin. Ayoko ng bumalik sa piling mo na puro karahasan. Hindi ganito ang gusto kong mangyari sa ating dalawa, Primo.”

Mabilis niyang hinawakan ang dalawa kong kamay pagkatapos hinalikan. Lumuluhang napatitig siya sa mga mata ko. Pareho kaming lumuluha at nasasaktan ako sa nakikita ko.

“Hindi ko rin ito ginusto. Nagawa ko ang mga bagay na iyon dahil-”

“Dahil kina Hana at Dylan.” Natigilan siya sa aking sinabi. Umawang ang labi niya at hindi na rin magawang kumurap. “Sinira nila tayong dalawa ngunit ikaw mismo ang tuluyang sumira nito. Kung nagtiwala ka sa akin at nanaig ang nasa puso mo hindi tayo aabot sa ganito.”

“Nagkamali ako at paulit-ulit kong hihingin ang kapatawaran mo. Mas nanaig ang galit sa puso ko kaysa ang pagmamahal ko sa'yo.”

Mabilis kong tinanggal ang pagkahawak niya sa mga kamay ko. Natawa ako at kalaunan ay napaiyak na naman.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now