Fourth Tears

766 13 0
                                    

"Achoo!"

"Nagpalit na ako ng pabango binabahing ka pa rin. Ano bang ilong mayroon ka?" tanong ni Primo pagkaupo niya sa hapag kainan.

Tiningnan ko naman ito ng masama. "Hindi na siguro tungkol sa pabango kung 'di sa presensiya mo. Kilala ka na ng ilong ko dahil marami na-" Pinutol ko kaagad ang aking sasabihin.

Ayaw na pala niyang maalala ang nakaraan. Kakasabi niya lang kagabi, huwag ko nang ibalik o mabanggit ang nakaraan. Mabuti na lang nakapagpreno ang bibig ko.

"Tsk!" walang ganang sabi niya at saka binuklat ang dyaryo.

Inirapan ko ito, malakas ang loob ko dahil hindi siya nakatingin.

"Bakit ka pala nagpalit ng pabango?" tanong ko habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya.

"Ayaw ko nang gamitin dahil konektado sa nakaraan. Gusto kong putulin lahat ng nakakapag-paalala." Tinupi nito ang dyaryo saka nilapag sa mesa.

Gusto ko sanang tuktukan ang ulo nito pero baka mahuli niya ako. Nung twenty one birthday niya niregaluhan ko siya ng pabango simula no'n iyon na ang ginagamit niya. Kapag nauubos magpapabili siya sa akin pero ilang taon na rin ang lumipas hindi na siya nagpapabili. Nalungkot ako dahil kinakalimutan na nga niya ang lahat pero may bukod tanging hindi niya kayang kalimutan.

"Bakit ganitong pagkain ang nilagay mo sa plato ko?!" naiinis na saad nito. "Alisin mo at palitan ng bagong plato," nagmamadaling utos niya.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng plato. Nilagyan ko kasi ng hotdog, egg at bacon na hindi niya nagustuhan. Pagbalik ko nilapag ko sa mesa ang plato, nilagyan ng kanin saka binudburan ng gatas at asukal. Tahimik lang siya habang pinapanood ang ginagawa ko.

"Kumain ka na," supladong ani nito saka nilantakan ang pagkaing nasa plato niya.

Palihim akong napangiti dahil elementary pa lang kami iyon ang madalas niyang hinihingi. Kahit sa meryenda mas gusto niyang kainin ang gano'n. Si Primo mismo ang nagpatikim sa akin at nagustuhan ko naman ang lasa.

"Bakit nakigaya ka sa kinakain ko?" tanong nitong nakatingin sa plato ko.

"Naubusan na kasi ng ketchup mamaya pa ako mag-grocery," sagot ko sa tanong niya.

"Damihan mo na ang stock, alam kong hindi kompleto ang araw mo kapag hindi ka nakakain ng weird na pagkain," napapailing na wika nito.

"Ikaw din naman," mabilis kong saad.

Katulad ko hindi rin kompleto ang araw niya kapag hindi nakain ang gusto. Pagkatapos naming mag-agahan binigay ko sa kaniya ang baon niya. Kahit alam kong hindi niya kakainin pinagbaunan ko pa rin siya.

"Bakit dalawang box ang baon mo nagpapataba ka ba?" nakakunot ang noo niyang tanong.

"Para sa co-teacher ko itong isa," nakangiti kong sagot.

Nakikita ko na ang magiging reaksiyon ni Enan mamaya. Pagtingin ko kay Primo nagkibit-balikat lang ito. Kinuha ang baon niya saka umalis na. Kahit kailan hindi niya ako sinasabay pagpasok sa trabaho. Hindi nga ako sigurado kung alam niya ang school na pinagtratrabahuan ko.

-----

"Good morning, Ma'am Bea," bati sa akin ni Enan. Nagkasalubong kaming dalawa sa hallway.

"Good morning din sa'yo, Sir Enan," bati ko rin. Nilabas ko sa paper bag ang ginawa kong bento box.

"Ito na iyong promise ko sa'yo," ani ko. Nilahad ko sa palad niya.

"Wow! Hindi ka nga nagbibiro. Salamat dito Teacher Bea," biro niya sa akin.

A Wife's Tears ( Completed )Место, где живут истории. Откройте их для себя