Last Tears

894 12 1
                                    

Nakanganga kami pareho ni Primo. Kahit si Mirielle na hindi alam ang nangyayari napahinto sa pagkain. Ang mga kasambahay ay natigil sa kanilang gawain para lang maki-tsismis.

“Bakit kayo narito? Magsibalik kayo sa trabaho,” utos ni Nanay Flor sa mga kasambahay.

Agad silang nagsibalikan. Sinenyasan ko si Primo na kausapin si Tatay Toni. Tumayo siya at nakipagpakilala.

“Ako po si Primo asawa ni Beatrice,” pangiti-ngiti niyang pakilala sa sarili.

Nilahad niya ang kaniyang kamay na lugod naman tinanggap ni Tatay Toni.

“Kilala kita palagi kang kinukwento sa akin ni Beatrice.” Iniwas ko ang aking tingin dahil iba ang dating ng pagtitig sa akin ni Primo.

“Parang hindi na kailangan ipakilala kayo sa isa't isa dahil mukhang matagal na kayong magkakilala,” kinikilig kong untag.

“Oo tama ka. Matagal na nga kaming magkakilala. Kumusta ka na, Florencia?” tanong ni Tatay Toni na titig na titig kay Nanay Flor.

“O-okay naman ako, Antonio.” Nahihiyang sagot niya.

Sa muli nilang pagtatagpo ako ang kinikilig para sa kanilang dalawa. Nilapitan ako ni Primo saka inakbayan. Hindi ko siya pinansin dahil nakatutok ako sa love story ng dalawa.

“Apo, hindi mo ba yayakapin si Lolo?” tanong niya kay Mirielle.

Tumayo si Mirielle. Patakbo siyang lumapit. Lumuhod naman si Tatay Toni para magpantay sila. Nagyakapan ang dalawa at ginawaran nila ng halik ang isa't isa. Tumakbo papunta sa amin si Mirielle at binuhat siya ni Primo. Nakatingin kaming tatlo sa dalawa na nagkakahiyaan pa.

“Hindi niyo ba lalapitan ang isa't isa para yakapin?” panunukso kong tanong. Napayuko si Nanay mas lalong nahiya sa sinabi ko.

“Ako na lang ang lalapit sa kaniya,” sagot ni Tatay Toni. Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Nanay Flor. Nagkatinginan at nginitian nila ang isa't isa. Mas tumindi ang kilig na naramdaman ko. “Masaya ako sa muli nating pagkikita, Florencia.” Maingat niyang niyakap at gano'n din ang ginawa ni Nanay.

“Masaya rin ako, Antonio.” Mahinang sambit niya habang magkayakap.

Para akong nanonood sa isang eksena sa pelikula. Sobra akong kinikilig sa kanila kaya panay ang hampas ko kay Primo. Napapangiwi na pala siya sa sakit na hindi ko namamalayan.

Kasalukuyan namin pinapanood ni Primo ang pag-uusap nina Nanay Flor at Tatay Toni sa may hardin. Nagtatago kami upang hindi nila malaman na nakikinig kami.

“Bakit umalis ka na hindi man lang pinapakinggan ang paliwanag ko, Florencia?” mahinahon niyang tanong.

“Patawad Antonio kung hindi ako nagtiwala sa'yo at basta na lang ako lumayo,” malungkot na sagot niya.

“Wala ka dapat ipagpatawad sa akin, Florencia. Kung nagtapat sana ako sa'yo agad hindi tayo nagkalayo. Hinanap kita kung saan-saan hanggang sa sumuko ako. Alam mo ba hindi ako nag-asawa dahil sinabi ko sa sarili ko na ikaw lamang ang pakakasalan ko.” Titig na titig si Tatay Toni sa mga mata ni Nanay Flor.

Napayuko si Nanay Flor at nagpunas ng luha. “Hindi ko alam ang sasabihin sa'yo, Antonio. Nahihiya ako sa'yo. Nagsisisi ako na iniwan kita ng araw na iyon,” umiiyak niyang saad.

Niyakap siya ni Tatay Toni saka hinagud ang likuran. “Pakasalan mo ako. Magpakasal tayo, Florencia,” aniya.

Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig. Hindi ko inaasahan na sasabihin iyon ni Tatay Toni. Sa halip na magulat si Primo sumimangot siya.

Agad kumalas si Nanay Flor. “Antonio, matanda na tayo,” giit niya.

Hinawakan niya ang kamay ni Nanay saka hinalikan ang likod ng palad niya. “Ano naman kung matanda na tayo? Konti na lang ang nalalabi natin sa mundo. Gusto kong sulitin iyon Florencia na magkasama tayo. Payag ka na bang magpakasal sa akin?”

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now