Fifty-third Tears

601 13 1
                                    

Isang linggo na ang lumipas mula nung kaarawan ni Primo. Ang sabi sa akin ni Nanay Flor tinanong siya kung handa na siyang magpatawad ngunit wala raw sagot si Primo. So ibig sabihin wala talaga siya balak na patawarin sina Hana at Dylan. Ayaw ko siyang pilitin sa bagay na hindi niya gusto. Mahirap naman iyong napipilitan lang siya. Mas maigi kung bukal sa kalooban niya na gawin. Kaysa maging dahilan pa ng away namin hinayaan ko na lang siya.

Kasalukuyan siyang nasa kompanya samantalang nasa mansion kami ng mga bata. Bumalik na ang dati niyang pangangatawan buhat ng mahospital siya. Masaya at maayos ang takbo ng pamilya namin. Dahil hindi na ako nagtuturo ako ang naging guro nina Ace at Mirielle. Tinuturuan ko silang magbasa at magsulat. Sa edad apat na taon iyon muna ang dapat nilang matutunan. Pinapanood ko sila habang sinusulat ang kanilang buong pangalan. Natutuwa ako dahil hindi sila mahirap turuan. Ngunit hindi ko inakala na ang kasiyahan ko sa mga oras na iyon ay magdudulot ng malaking suliranin sa aming pamilya.

“Mam Beatrice may naghahanap po sa inyo,” ani ng kasambahay.

Napatingin ako sa hindi ko kilala na panauhin. Isang babae at lalaki mukhang mag-asawa. Nasa thirty's ang edad at sa itsura pa lang nila masasabing may kaya sa buhay. Kumunot ang noo ko dahil titig na titig sila kay Ace.

“Hinahanap niyo raw po ako. Ano po ang mapaglilingkod ko sa inyo?” pukaw na tanong ko upang makuha ang atensiyon nila.

Nagtagumpay ako. Nabaling sa akin ang tingin ng bisita. Iyon nga lang mukhang maiiyak ang dalawa na hindi ko mawari.

“K-kayo po ba si Mrs. Montero?” nanginginig na tanong ng babae.

“Ako nga po,” nakangiti kong sagot.

Nagkatinginan ang mag-asawa. Napaiyak ang babae na mas pinagtaka ko. Agad naman siyang inalo ng lalaki. Sina Ace at Mirielle na busy sa pagsusulat ay napatingin sa babaeng umiiyak.

“Pasensiya na po kayo Mrs. Montero naging emosyonal ang asawa ko. Ako po si Drake Fuentebella at siya naman ang asawa ko si Shantelle,” pakilala ng lalaki.

“Nice meeting you po. Ako si Beatrice Montero at sila ang dalawa kong anak si Ace at si Mirielle.”

Mas lalong napahagulgol ang babae kaya pinaupo ko sila. Nagpakuha rin ako ng tubig para kumalma siya.

“P-puwede ko ba mayakap ang anak mong lalaki?” umiiyak na tanong ng babae. Mahina akong tumango. Tinawag ko si Ace at pinalapit sa kanila. “A-anak, ang laki-laki mo na.”

Niyakap niya ng mahigpit si Ace. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatingin sa akin si Ace na naguguluhan. Kinuha ko siya mula sa pagkayakap ng babae. Inutusan ko ang kasambahay na paakyatin muna ang mga bata. Kung ako nagulat sa nangyayari mas lalo sila.

“Mrs. Montero, nakita namin sa social media ang kuhang larawan ninyong mag-anak. Napatingin kami sa batang lalaki at hindi kami nagkakamali siya ang anak namin. Kami ang biological parents niya,” naluluhang sabi ng lalaki.

Napatayo ako mula sa pagkaupo. Panay ang paroon at parito ko. Hindi pa rin tumitigil ang babae sa kakaiyak samantalang panay ang pagpapakalma sa kaniya ng lalaki. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Primo. Sa nalaman ko hindi ko alam kung ano ang gagawin.

“Primo, puwede bang umuwi ka may mahalaga tayong pag-uusapan,” ani ko. Pagkapatay niya agad kong binaba. Kumabog ng husto ang dibdib ko kaya napainom ako ng tubig. Nasa tabi ko si Nanay Flor at inalalayan niya ako. “Parating na ang asawa ko. Hintayin na lang natin siya,” imporma ko.

Nagmamadaling pumasok ng bahay si Primo. Pinalipad yata niya ang kaniyang sasakyan para makarating sa bahay na gano'n kabilis. Natataranta siya at sinusuri ang buong katawan ko kung may nangyari ba sa akin. Hindi nga niya napansin ang mag-asawang Fuentebella na nakatingin sa amin.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now