Forty-seventh Tears

695 14 0
                                    

Musmos pa lamang si Mirielle at hindi pa gano'n kalawak ang kaniyang pangunawa. Ngunit pinaintindi ko na sa kaniya ang tungkol sa Ama niya. Alam niyang hindi niya tunay na Ama si Enan. Napamahal ang dalawa sa isa't isa kaya naman tinuring ni Mirielle si Enan bilang tunay na Ama niya. Lubos kong kinatutuwa dahil hindi siya nagpapakwento. Ako pa nga mismo ang nagkwekwento tungkol kay Primo.

“B-buhay ang anak niyo?!”

“A-anak niyo ni Primo?!”

“A-anong ibig sabihin nito?!”

Gulat na tanong nila sa akin. Hindi ako makapagpaliwanag dahil kasama namin ang mga bata.

“Mahaba pong kwento. Saka ko na lang ipapaliwanag kapag nagising na si Primo. Hindi rin niya alam ang tungkol sa anak namin. Gusto ko gising siya kapag sinabi ko.”

Malungkot akong napatingin kay Primo. Wala pa rin sign. Pati mga doktor hindi nila matukoy kung kailan siya magigising. Kapag nagising siya hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya. Sana hindi siya magalit sa pagtatago ko ng aming anak. Hindi na nagpumilit pa sina Nanay Flor at magulang ni Primo sa sinagot ko.

“Mommy, tulog po ba si Daddy?”

Hawak pa rin ni Mirielle ang kamay ng Ama niya. Naaawa ako sa anak ko dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari.

“Oo baby. Sa sobrang himbing ng tulog ni Daddy hindi pa siya nagigising.” Nagpakatatag ako kahit na gusto na naman kumawala ang mga luha ko. Dapat hindi ako panghinaan ng loob sa harapan nila. Hindi ko puwedeng ipakita kina Ace at Mirielle ang pagluha ko. “Higpitan mo baby ang paghawak sa kamay ni Daddy. Ikaw din Ace hawakan mo sa kabilang kamay niya para magising na ang Daddy ninyo.”

Agad silang sumunod. Hindi ko pa sila pinakilala sa isa't isa ngunit parang matagal na silang close. Nginitian pa nila ang bawat isa na kinatuwa namin.

“Mommy, magigising na po ba si Daddy kapag hinawakan namin ang kamay niya?”

Napangiti ako sa tanong ni Ace. Dahan-dahan akong tumango. Pinanindigan ko kung 'yon ang pagkakaintindi ng mga bata. Mas mabuti na gano'n kaysa sabihin na walang kasiguraduhan kung magigising pa siya o hindi na.

“Mga anak, sabihin niyo kay Daddy to stay alive and be strong. Sa pamamagitan ng paghawak niyo sa kamay niya mararamdaman ng utak niya ang pag-aalala niyo para sa kaniya.” Sabay silang tumango na para bang naintindihan nila. Nagkatinginan sila na para bang may gusto silang sabihin sa isa't isa. Nakita kong sinenyasan ni Mirielle si Ace. Ano ang gusto nilang ipahiwatig?

“Daddy, wake up. Kailangan mong gumising para makilala mo ang kapatid ko.”

“Daddy, idilat mo na po ang mata mo. Sabi ni Mommy pareho tayo ng kulay ng mata. Gusto ko po makita para malaman ko kung hindi nagsisinungaling si Mommy.”

Napaluha na lang ako. Hindi ko inaasahan na gano'n ang gagawin nila. Gusto na talaga nilang magising si Primo. Kahit anong paraan ay gagawin nila. Napatingin sa akin si Mirielle at parang may gustong sabihin, nahihiya lang siya.

“May gusto kang sabihin baby?”

Binalik niya ang tingin kay Primo. Ilang minuto rin siyang hindi nagsalita. Nakatitig lang siya. Natakot tuloy ako baka kung napano na siya. Nabigla na lang ako sa katagang binitawan niya.

“Paglaki ko gusto kong maging doktor para gisingin ko si Daddy at hindi ka na mag-alala pa Mommy.”

Napayakap ako sa kaniya. Nakatingin sa amin si Ace na malungkot ang mukha. Tinawag ko siya at dalawa ko silang niyakap. Ayaw kong ipakita at iparamdam na hindi pantay ang pagtrato ko sa kanila.

“Beatrice, iuwi ko muna si Mirielle sa bahay, babalik na lang kami bukas.”

Napahiwalay ako sa dalawa at nilingon si Enan. Tumayo ako at humarap sa kaniya.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now