Fifty-fourth Tears

719 12 0
                                    

A/N: Contains mature content. Read at your own risk.

Nakiliti ako nang hinapit ni Primo ang baywang ko. Muntik na akong mapatili mabuti na lang naitikom ko agad ang aking bibig. Hinila niya ako palapit sa katawan niya. Halos wala ng hangin na makadaan sa sobrang lapit namin. Pinagdikit niya ang noo namin dalawa. Halos magkaduling-duling naman ako matitigan lang ang mga mata niya.

“Together forever wife,” aniya sabay halik sa noo ko.

“Pasensiya ka na kung naistorbo kita sa trabaho. Babalik ka pa ba?” Tukoy ko sa kompanya.

May meeting siya kanina nung tumawag ako ngunit umalis siya agad kahit nasa kalagitnaan pa lang ang pinaguusapan nila.

“Tatawagan ko na lang mamaya si Euston na re-schedule ang meeting. Gusto ko kayong makasama,” sagot niya.

“Good idea. Magbihis ka tapos hintayin kita sa kitchen,” utos ko.

Naka-business suit pa siya mula pa kanina. Tinulak ko siya palabas sa kwarto ni Ace. Hindi naman siya umangal. Nagtungo na rin ako sa kusina para ihanda ang gagamitin sa pagba-bake. Naisipan kong ipag-bake ng cookies ang mga bata.

Pagdating ni Primo nakapambahay na siya. Puting t-shirt at jogger pants na palagi niyang sinusuot. Lumapit ako sa kaniya na sobrang lapit. Akala niya lalandiin ko siya ang hindi niya alam isusuot ko sa kaniya ang apron. Kunot noo niya akong pinatitigan.

“Tutulungan mo akong mag-bake. Huwag kang tatanggi,” saad ko.

Tatalikuran ko na dapat siya nang hinila niya ang kamay ko tuloy napahawak ako sa matitipuno niyang dibdib.

“Sure, basta ba huwag kang tatanggi mamayang gabi,” kindat niya.

Tinulak ko siya at hinampas sa braso. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Tawang-tawa naman siya at talagang nangaasar.

Hindi pa kami natatapos ni Primo nang dumating sina Ace at Mirielle na nagkukusot pa ng mga mata. Halatang kakagising lang nila.

“Daddy, Mommy,” tawag ni Mirielle.

“Ano po ang ginagawa ninyo?” tanong naman ni Ace.

Umupo ang dalawa sa kitchen island. Sabay na kumalumbaba habang pinapanood ang ginagawa namin. Wala silang kabuhay-buhay natutulog pa yata ang dugo nila.

“Nagba-bake kami ni Daddy ng cookies para sa inyo,” nakangiti kong sagot.

“Wow!” untag nilang dalawa.

Biglang nabuhay ang natutulog nilang katawan. Nagningning ang kanilang mga mata. Mukha silang natakam at hindi na makapaghintay.

“Puwede niyo po ba kaming turuan?” malambing na tanong ni Ace.

“Sure. Come here son,” sabi ni Primo.

Napangiti ako dahil sa wakas bati na ang mag-ama. Tumabi sa akin si Mirielle at niyakap ang baywang ko.

“Turuan mo rin ako, Mommy.”

Nagpa-cute siya sa akin. Litaw na litaw ang ganda ng kulay bughaw niyang mga mata. Ngumuso siya para ipakita ang mapula at maliit niyang labi.

“Oo naman. Pareho namin kayong tuturuan.”

Nilagyan ko ng flour ang pisngi nilang dalawa. Nakisali na rin si Primo sa kalokohan ko. Sa halip ang mga bata ang lagyan niya sa akin niya nilagay. Tuloy hindi matapos-tapos ang ginagawa namin dahil nauwi sa kulitan. Naging playground ang kitchen. Mukha kaming mga gusgusin dahil sa itsura namin.

“Susmaryosep! Anong delubyo ang nangyari rito?” Napakamot na lang sa ulo si Nanay Flor. Natigil kami sa paghaharutan. Nagtago ang mga bata sa likuran namin. Hindi naman kami makatingin ng dirertso sa kaniya. Wala rin kami lakas para sagutin siya. “Kayo talagang mag-asawa! Lalo ka na Primo hanggang ngayon isip bata ka pa rin,” sermon niya.

A Wife's Tears ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon