Seventeenth Tears

693 14 0
                                    

Pagkatapos maiparada ni Primo ang kotse niya sa garahe napatingin ako sa cellphone niyang umilaw. Kararating lang namin sa bahay mula pagkakain sa labas, nang mabasa ko ang pangalang lumitaw sa screen napawi ang kasiyahan na naramdaman ko. Akala ko ito na ang magandang araw na nangyari sa buhay ko buhat ng maikasal ako kay Primo. Kinuha niya agad nang mapansin niyang nakatuon ang tingin ko ro'n.

“Mauna ka nang pumasok sasagutin ko lang ito,” aniya.

Tipid akong ngumiti at tumango sa kaniya. “Sige, salamat pala sa paanyaya mo sa akin. Goodnight,” malungkot kong sabi.

Binuksan ko ang pinto at lumabas na. Mabigat ang dibdib ko nang pumasok sa loob ng bahay. Nahihirapan kong ihakbang ang aking mga paa habang inaakyat ang hagdan. Pakiramdam ko napagod ako nang marating ko ang pangalawang palapag. Dahil lang sa taong tumawag kay Primo kaya nasira ang gabi ko. Si Hana ang natatanging babae na mahal niya. Kahit gusto kong pakinggan ang pag-uusap nila minabuti kong umalis na baka mas lalo lang akong masaktan.

Para akong lantang gulay nang pumasok sa banyo upang maglinis ng katawan. Pinadaloy ko ang malamig na tubig sa buong katawan para maibsan ang mabigat kong nararamdaman. Nang mahimasmasan na agad kong sinuot ang roba. Pagkalabas kinuha ko ang towel na nakalapag sa kama para punasan ang basang buhok. Magtutungo sana ako sa balkonahe para lumanghap ng sariwang hangin nang may kumatok.

Mabilis kong binuksan ang pinto dahil ayokong pinaghihintay si Primo. “May kailangan ka?” agad kong tanong.

“Ah, hmm. W-wala gusto ko lang mag-goodnight. Sige alis na ako,” paalam niya.

Agad niya akong tinalikuran hindi man lang hinintay ang sasabihin ko. Hindi siya mapakali kanina sa kaniyang kinatatayuan, hindi rin siya makatingin sa akin ng diretso parang umiiwas ito. Nang maisara ko ang pinto palaisipan pa rin sa akin. Hindi kaya nagpunta lang siya para awayin ako? Baka nag-away sila ni Hana kanina sa telepono at ako sana ang babalingan niya ng init ng ulo pero hindi niya tinuloy. Pinilig ko ang aking ulo at nagtungo sa vanity mirror para i-blower ang basang buhok. Natigilan ako nang makitang nakasuot pa ako ng roba. Napatampal na lang ako sa aking noo hindi man lang ako nakapagbihis bago pagbuksan ng pinto si Primo kanina. Pagdating sa kaniya nawawala ako sa isip at palaging aligaga. Akala niya siguro inaakit ko siya dahil hanggang kalahating hita ko lamang ang haba at may pagkanipis pa.

“Kung sa akin nga hindi interesado si Primo sa katawan ko pa kaya, baka nga hindi ako kaakit-akit para sa kaniya,” bulong ko.

-----

Nagmadali akong bumangon hindi kasi tumunog ang alarm clock kaya na-late ako ng gising. Anumang oras bababa na si Primo para mag-agahan ngunit hindi pa ako nakakapagluto. Binilisan ko ang pagligo at agad bumaba. Pagdating ko sa kusina laking gulat ko ng may babaeng nagluluto. Hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod siya ngunit sa kasuotan niyang blusa na may mahabang manggas, palda na umabot hanggang paa, balabal na nakapalibot sa leeg at puting buhok may katandaan na ito ngunit malakas pa rin ang pangangatawan.

“Hello po magandang umaga,” nakangiti kong bati.

Napalingon sa akin ang babae at gumuhit ang ngiti nito sa labi. Nanlaki ang aking mata at napaawang ang bibig nang makilala ko siya. Agad akong tumakbo upang yakapan siya nang mahigpit, sobra ko siyang namiss.

“Lalo kang gumanda, Beatrice anak,” malambing niyang sabi pagkatapos naming magyakapan.

Siya si Nanay Flor ang yaya ni Primo nung bata pa siya, hindi kalaunan naging malapit na rin ako sa kaniya. Dahil matandang dalaga sabik sa mga bata, anak kung ituring niya kaming dalawa kaya nasanay na rin namin siyang tawagin na Nanay. Umalis siya sa poder ng Montero bago magkolehiyo si Primo dahil kailangan daw niyang umuwi sa probinsiya.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now