Twenty-third Tears

638 11 0
                                    

Palihim akong natuwa dahil ngayon ulit ako binigyan ni Primo ng bulaklak bilang asawa niya. Noon binibigyan niya ako para sa espesyal na okasyon at sa pagkakaibigan namin. Mas lalong kinatuwa ko na para bang mahuhulog ang puso ko sa lakas nang kabog na mismong paborito ko pang bulaklak ang kaniyang binigay.

“Sunflower,” mahina kong sambit saka inamoy.

“It is, let's go inside,” anyaya niya sa akin. Nauna na siyang naglakad habang ako ay nakasunod sa kaniyang likuran.

“Nandito na pala kayo mga anak. Teka lang at ipaghahanda ko kayo ng makakain,” wika ni Nanay Flor. Nagmamadali siyang bumaba bitbit ang maruruming damit ni Primo.

“Nay huwag na po kumain na kami ni Beatrice.” Pagpigil ni Primo kay Nanay Flor.

Tumango lang ang matanda saka napatingin sa hawak kong bulaklak. Nginitian niya ako ng nakakaloko ngunit pinagsawalang bahala ko na lang. Sanay naman na ako sa panunukso ng matanda sa aming dalawa.

Naalala ko na nagyayaya sina Cindy na lumabas bukas. Mabuti at agad kong naisip para maagang makapagpaalam kay Primo.

“Primo, puwede ba akong umalis bukas? Nagyayaya kasi sina Cindy sabi ko magpapaalam muna ako sa'yo.”

Tumahimik ito habang nakatitig sa akin pero alam ko nag-iisip siya kung papayagan ba ako o hindi.

“Sige pero umuwi ka bago magtanghalian dahil sabay tayong mag-lunch.” Pagkasabi niya nagmamadali niyang tinungo ang hagdan.

“Hindi ka na naman papasok bukas?” tanong ko kung saan kinalingon niya. Humakbang ito patungo sa akin at pinatitigan ako.

“Bakit ayaw mo bang nandito ako?” balik na tanong din niya nagawa pa niyang humalukipkip sa harapan ko.

“Hindi naman sa gano'n pero-” Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang sumabat.

“Hindi naman pala ang dami mo pang sinasabi. Sige magpapahinga na ako.” Agad niya akong tinalikuran at humalik kay Nanay Flor.

Nanggagalaiti naman ako sa kaloob-looban ko dahil kung kanina napaka-sweet niya ngayon naman ay todo deadma sa akin. Mumurahin ko na sana siya sa isip ko nang bumalik ito at mabilis na humalik sa aking noo.

Kumunot ang noo ko at tiningnan siya ng masama habang paakyat ito ng hagdan. Matanda na ba ako para halikan sa noo?

“Kahit kailan talaga ang sarap niyong panoorin, isang alaskador at isang pikon. Hayaan mo na anak naging sweet naman sa'yo ang asawa mo.” Nginuso ni Nanay Flor ang hawak kong bulaklak at ang aking noo. Sinusundot-sundot pa niya ako sa aking tagiliran, talagang hindi ako makakaligtas sa panunukso niya sa amin.

-----

Maaga akong nagising upang tapusin ang gawaing bahay. Tinulungan ko rin si Nanay Flor sa paghahanda ng agahan para walang masabi si Primo. Aalis ako ngayon kikitain ko ang aking mga kaibigan. Sana naman ay hindi tupakin ang lalaking iyon bka mamaya magbago ang isip at hindi na ako payagan pa.

“Nay, nakita niyo po ba si Primo?”

Kanina ko pa siya hinahanap upang makausap. Naisip ko kagabi na kausapin siya ng masinsinan upang matapos na ang pag-iisip ko ng masama tungkol sa kaniya. Hanggat hindi ko malaman ang kasagutan galing sa kaniya hindi ako matatahimik.

“Nasa opisina niya anak,” mabilis na sagot ni Nanay Flor. Nagpasalamat ako sa matanda at agad tinungo ang opisina nito sa mansion.

Naabutan ko siyang nagtitipa sa laptop base sa mukha nito parang wala sa mood nagdadalawang isip tuloy ako kung kakausapin ko ba siya o huwag na lang. Pero kung hindi ko susubukan hindi ko malalaman kaya naglakas loob na lang ako. Kumatok ako ng ilang beses, lumingon naman siya at sinenyasan na umupo. Labis ang kabang nadarama ko sa mga oras na ito, pati ang pang-upo ko ay hindi mapakali sa kinauupuan ko.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now