Eleventh Tears

681 12 0
                                    

Nang bumuti na ang aking pakiramdam hindi na ako pinabalik ni Enan sa aming booth. Pinauwi na niya ako sa bahay at siya pa mismo ang naghatid sa akin. Ang dahilan nito para makapagpahinga ako ng maayos.

“Salamat sa paghatid, mag-ingat ka sa pag-uwi.” Kinawayan ko siya at tinanguan naman niya ako.

Kahit gusto ko siyang papasukin sa loob ng bahay minabuti kong huwag na lang baka makita pa siya ni Primo at ano pa ang isipin nito tungkol kay Enan.

Kadiliman ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng bahay. Tahimik ang buong mansion, wala rin mababakas na anino ni Primo, ibig sabihin hindi pa siya umuwi magmula pa kagabi. Bumagsak ang aking balikat, nakaramdam ng pagkaawa sa aking sarili. Talagang ayaw niyang makita ang aking pagmumukha pero mabuti na rin na ako ang unang nakauwi kapag nagkataon uulanin niya ulit ako ng sermon.

Umakyat ako sa itaas para makapagpalit ng damit. Pagbukas ko ng pinto nalanghap ko ang amoy na pabango ni Primo, ito iyong pabango na una niyang ginamit at hindi ako pwedeng magkamali dahil ako mismo ang nagbigay sa kaniya noon. Napalingon ako bigla sa aking likuran baka nasa likod ko lang ito ngunit nabigo ako. Kumunot ang aking noo at napatanong sa mismong sarili. Kung paano napunta ang amoy nito sa aking kwarto? Alam kong nagpalit na ito ng pabango pero bakit iba ang naamoy ko? Napakamot ako sa aking ulo nang pumasok sa loob. Bubuksan ko na sana ang closet para kumuha ng damit nang mahagip ng aking mga mata ang bahagyang nakabukas na drawer. Sa pagkakaalam ko iniwan ko ito kanina na nakasarado. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang graduation picture namin ni Primo nung kolehiyo. Kinuha ko iyon pati na rin ang photo album kung saan nakalagay lahat ang memories naming dalawa. Binuklat ko ang nilalaman ng album at laking gulat ko ng wala sa ayos ang pagkalagay ng mga larawan. Pati ang kuhang larawan naming tatlo kasama si Lolo Acio, kinilabutan ako baka minumulto ako ni lolo. Binalik ko na lang sa pagkakalagay ang larawan namin ni Primo at nilagay sa drawer. Nagmadali akong kumuha ng damit saka pumasok sa banyo, huwag ko na munang isipin kung paano nakalabas ang litrato kung maayos ko naman itong tinago. Baka nga pinaglalaruan ako ni Lolo Acio dahil matagal na akong hindi nakadalaw sa puntod nito.

Nagtungo agad ako sa kusina para makapagluto ng hapunan. Hindi ko alam kung uuwi si Primo pero mas mabuti kung nakahanda ako para iwas sermon. Pakanta-kanta ako habang nagluluto hindi ko alam kung may katotohanan ang kasabihan ng matatanda na magiging masarap ang niluluto kapag kinantahan mo. Gusto ko lang libangin ang sarili para hindi makapag-isip ng kung anu-ano. Napangiti ako nang matapos ang aking pagluluto, inamoy ko pa ito at sa amoy pa lang masasabi kong masarap nakatulong yata ang ginawa kong pagkanta. Sinunod ko naman ang pagba-bake ng cookies para sa booth namin. Hinanda ko lahat ng kakailanganin saka agad sinimulan. Nasa kalagitnaan na ako ng maramdaman kong nasa likuran ko si Primo. Nakauwi na pala ito ng hindi ko namamalayan, narinig kong binuksan nito ang ref. Tahimik lang ako sa aking ginagawa kahit gusto ko siyang tingnan. Napahinto ako sa paghahalo nang magsalita ito.

“Hi! How are you?” tanong niya.

Gusto ko siyang lingunin para matiyak ko kung siya nga ba si Primo. Hindi ako makapaniwala sa tagal ng panahon ngayon niya ulit ako kinamusta. Nagdiwang ang puso ko, ito na ba ang matagal ko ng inaasam? Nagbalik na ba ang Primo na kababata ko?

“O-okay lang ako,” nauutal kong sagot.

Mas gusto ko sanang magkausap kami ng harapan ngunit mas okay na siguro itong mag-talikuran baka hindi ako makapagsalita kapag kaharap ko siya.

“So, what are you up to?” tanong niya ulit.

Kinikilig ako sa paraan ng pagtatanong niya. Malambing ang pananalita nito hindi tulad ng dati na palaging galit ang boses.

“Ummm, busy kanina para sa foundation namin,” sagot ko naman. Panay ang pagkagat ko sa aking labi para pigilan ang kilig na nadarama.

“Can I come over?” tanong niya na nagpakunot sa aking noo kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili para lingunin siya. “Listen, I will have to call you back, there's  an idiot answering all my questions.” Nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin sa akin. “May pagkain na ba? Nagugutom na kasi ako!” galit na saad niya pagbaba ng cellphone.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now