Forty-eighth Tears

781 12 1
                                    

Tinanggal ko ang braso ni Enan na nakaakbay sa balikat ko saka ko siya siniko sa tagiliran niya. Hindi ko na kasi matiis ang mga titig ni Primo sa amin. Lumapit ako sa kaniya at tinabihan siya.

“Totoo ang sinabi ni Enan. Magkapatid kami sa Ama. Hindi alam ni Daddy na may naging anak siya sa pagkabinata. Lately lang niya natuklasan at iyon pala ang tinatago nila sa akin. Sasabihin na dapat nila sa akin pero naaksidente sila.”

Nalungkot ako. Naalala ko sila. Ang mga masasaya at malulungkot kong alaala mula pagkabata hanggang sa pagtanda. Sa hirap man o ginhawa na kasama ko sila. Pinahiga ni Primo ang ulo ko sa balikat niya. Panay ang paghaplos niya sa buhok ko. Nakaramdam tuloy ako ng pagkaantok dahil sa ginagawa niya.

“Pinagtapat ko ang lahat kay Beatrice pagkatapos ng libing. Nung naaksidente sila iyon ang araw ng pagkikita namin. Maayos ang naging pag-uusap namin hindi ko akalain sa pag-uwi nila mangyayari ang gano'ng trahedya. Nangako ako na hindi ko pababayaan si Beatrice. Kaya Montero bilisan mo ang paggaling dahil sisingilin pa kita sa lahat ng naging atraso mo sa kapatid ko. Saksi ako sa lahat ng paghihirap niya sa piling mo. Kating-kati na ang mga kamay ko.” Pinakita pa niya sa amin ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

“Enan,” tawag ko sa pangalan niya.

Umupo ako ng maayos. Nakasimangot akong humarap sa kaniya. Kahit biro lang ang mga sinabi niya hindi maganda sa pandinig. Hindi rin iyon nakakatuwa para sa akin.

“Tingnan mo ito. Walang galang sa akin teacher pa naman. Haist, matigas talaga ang ulo. Ilang taon ang tanda ko sa'yo kaya huwag mo akong tatawagin sa pangalan ko,” untag niya.

“Anong magagawa ko kung nakasanayan ko nang tawagin ka sa pangalan mo,” giit ko.

“Puwede huwag kayong mag-away. May pasyente sa harapan ninyo,” pagsingit ni Primo. Inirapan ko si Enan pero ang loko pangiti-ngiti lang sa akin. “Chaves, hindi ko nakakalimutan ang mga iyon at handa kong pagbayaran. Ngunit sisingilin din kita dahil sa pagtago mo sa akin sa mag-ina ko.”

Nanlaki ang mga mata ko sa katagang binitawan niya. Nilingon ko siya at laking gulat ko dahil nakangiti siya sa akin. Walang mababakasan na galit o lungkot sa mukha niya.

“P-paano mo nalaman?” kunot-noo kong tanong.

“Nalaman ko sa mismong bibig ni Cristal. Nadulas siya kaya pinaamin ko. Bakit mo iyon ginawa?” malumanay niyang tanong.

Matamlay ang mga mata niyang tumitig sa akin. Pakiwari ko nasaktan siya sa pagtatago ko sa aming anak. Hindi ako makatingin sa kaniyang mga mata. Nakokonsensiya ako. Ilang taon kong pinagkait si Mirielle sa kaniya. Hindi man lang niya nasubaybayan ang paglaki niya at maranasan na maging Ama.

“I'm sorry. Nang mga oras na iyon magulo ang isip ko. Sobra akong nag-alala sa anak natin. Ayaw ko siyang mawala kaya ginawa ko ang makakaya ko. Kahit maraming nawala sa akin na dugo nilakasan ko ang aking loob. Mabuti na lang malakas ang kapit ng bata kaya hindi siya nawala. Sasabihin sana sa'yo ni Cristal pero pinigilan ko siya. Nakiusap ako sa kaniya pati na rin ang doktor na tumingin sa akin. Palabasin nila na wala na ang anak natin. Naalala ko na mana lang ang mahalaga sa'yo at hindi ang anak natin kaya tinago at nilayo ko. Sumagi rin sa isip ko na magkakaroon na kayo ng anak ni Hana. Kay Hana alam kong tanggap mo ang bata at gusto ko siyang magkaroon ng kompletong pamilya kung saan totoong nagmamahalan ang magulang niya.”

Napayuko ako kasabay nang pagbagsak ng luha ko. Pupunasan ko sana gamit ang aking kamay nang hinuli ni Primo ang kamay ko. Pinagsaklop niya ang aming kamay saka hinawakan ang baba ko at unti-unting inangat ang mukha ko. Siya mismo ang nagpunas ng luha ko.

“Matagal ko ng alam ang tungkol sa anak natin pero nagkunwari akong walang alam. Magaling ba akong umarte? Hindi ako tumigil kakahanap sa inyo dahil gusto kong buoin ang ating pamilya. Dahil sa galit kaya ko nasabi ang mga bagay na iyon ngunit ang totoo masaya ako ng malamang magkakaanak na tayo. Sa tuwing nakikipagtalik ako sa ibang babae gumagamit ako ng proteksiyon. Kaya hindi ako naniniwala sa sinabi ni Hana. Walang ibang babae ang gusto ko na maging Ina ng aking anak kung 'di ikaw lamang. Nung nagkita tayong muli hindi kita tinanong. Gusto kong ikaw mismo ang magsabi sa akin. Ayaw kitang pangunahan. Anuman ang sasabihin mo paniniwalaan ko. Nadala na ako, paniniwalaan at magtitiwala na ako sa'yo.”

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now