Twenty-seventh Tears

694 12 0
                                    

Naiwan ang tingin ko sa may pinto. Kahit nakalabas na si Primo ro'n pa rin nakatuon ang mga mata ko. Iniisip ko ang huling sinabi nito na animo'y hindi ko mawari, pinilig ko ang aking ulo upang hindi na alalahanin pa saka naman natuon ang pansin ko sa pagkain na nasa side table. Napangiti ako at nakaramdam ng kilig dahil si Primo pa mismo ang nagdala. Nang sumagi sa isip ko ang sinabi nitong ubusin ko lahat ang dinala niya napangiwi ako. Sa dami nang dinala niya hindi ko alam kung paano ko uubusin. Nagkibit-balikat na lang ako at kumain, kung pagagalitan niya ako so be it.

Gamit ang saklay bumaba ako upang tawagin si Nanay Flor para kunin ang pinagkainan ko kanina. Pinawisan ako nang makababa, ang hirap kasing maglakad gamit ang isang paa lamang. Natatakot pa baka ako'y mahulog sa hagdan kaya todo pag-iingat ang aking ginawa.

“Oh!” mahina kong bulong nang makitang nakaupo si Primo sa sofa habang nagtitipa sa kaniyang laptop. Napuno ng papeles ang mesa at nahulog pa ang iba sa sahig. “Ba't nandito ka pa?” tanong ko na kinalingon niya.

“Naisip kong huwag nang pumasok para may katuwang ka,” sagot niya saka tinuon ulit ang mata sa laptop.

“Pumasok ka na Primo kasama ko naman si Nanay Flor. Ilang araw ka ng hindi pumapasok tingnan mo nga nagkalat ang papeles sa harapan mo. Sige na pumasok ka na kung ayaw mong magalit ako sa'yo,” banta ko pero siyempre biro ko lang iyon sa kaniya.

“Fine, nakalimutan kong may mahalaga pala akong meeting kaya kailangan kong pumunta sa kompanya. Basta magpahinga ka kung ayaw mong magalit din ako sa'yo.” Lihim akong napangiti pareho lang kaming nagtatakutan.

Pinulot niya ang mga papel na nahulog saka niya nilagay sa folder. Binitbit nito ang kaniyang laptop at umakyat patungo sa pangalawang palapag. Hindi maalis ang mata ko sa kaniya, napapahanga ako sa hubog ng kaniyang katawan lalo na ang kaniyang kagwapuhan. Hindi maikakaila na maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya. Hindi lang sa panlabas na anyo ang kahanga-hanga sa kaniya kung hindi rin ang pagkatao niya. Masuwerte si Hana, sana ako na lang ang nasa katayuan niya.

“Baka matunaw anak, subukan mo kayang kumurap.” Napailing na lang ako sa sinabi ni Nanay Flor. “May mahalaga pala siyang meeting pero ikaw ang pinili,” dagdag niya.

“Hindi naman po Nay narinig niyo naman ang sinabi niya na nakalimutan,” katuwiran ko.

Umiling si Nanay Flor na may mapanuksong tingin. “Anak, ang bibig nakakapagsinungaling pero ang mata hindi.” Sinundot pa niya ako sa tagiliran bago ako iniwan.

-----

Nagbabasa ako ng magazine nang tumunog ang door bell. Tatayo na sana ako para buksan ang gate nang sinenyasan ako ni Nanay Flor na siya na lang. Umupo ulit ako at tinuloy ang pagbabasa.

“Anak, may bisita ka,” imporma ni Nanay Flor. Napaangat ako ng mukha at nakatingin sa paa kong may benda si Enan.

“Salamat po Nay,” nakangiti kong saad. Nilipat ko ang aking tingin kay Enan na hindi ps rin inaalis ang mata sa nakapatong kong paa sa mesa. “Enan, halika umupo ka rito,” tawag ko sa kaniya. Pinakilala ko muna siya kay Nanay Flor bago ito umupo. Umalis din si Nanay para kuhanan kami ng makakain.

“Nag-alala ako sa'yo Bea nung sinabi nila na hindi ka raw makakapunta sa meeting. Kinabahan ako baka may masamang nangyari sa'yo kaya pinuntahan kita. Pasensiya ka na kung wala akong pasabi. Ano bang nangyari?” Tuloy-tuloy nitong pagsasalita.

Mababakasan ang pag-alala sa mukha nito. Kinuwento ko kay Enan ang nangyari at nalungkot ito na malamang hindi pa ako makakapasok.

“Okay lang iyon, ang mahalaga gumaling ka. Dadalawin na lang kita palagi-”

“Wala siyang sakit para dalawin.” Sabay kaming napatingin ni Enan sa may pinto. Naglakad si Primo papunta sa amin, hindi maayos ang pagkasuot ng kaniyang kurbata.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now