Lesson 21

7.1K 136 2
                                    

Author's Note: Happy National Breakfast Day! (Epekto ng pag-aalmusal sa McDo)

****

Avery Rain Santillan

I remember once when my parents were talking at the lanai. They were sharing some of their philosophical virtues regarding what they have experienced in life.

And one of those virtues was, "People were the only one who complicates things." My parents believes na tayo lang naman din ang nagpapagulo ng sitwasyon. Lahat naman daw ng problema, may isang kasagutan. Sadyang pinapagulo lang daw natin ang mga sitwasyon dahil kung anu-ano ang naiisip nating mga sagot sa problema kaya mas lalong dumadami at mas bumibigat ang bawat sitwasyon.

And right now, I don't know if what I'm about to do is the right solution for my problems.

I'm staring at the clouds outside the window. My mind was filled with my thoughts about Kyron.

Learning about the truth is easy. Digesting it is another thing and accepting it is another process. Ayokong mabigla at madaan sa galit ang lahat ng magiging desisyon ko para sa aming dalawa. I wouldn't want us to end up being mortal enemies when in fact we had a good relationship before. Hindi ko lang talaga alam kung saang aspeto ako nagkulang para mangyari sa amin ang lahat ng iyon.

Matapos nang kumprontasyong iyon, hindi ko namalayang nakatulog ako ng matagal sa katapat na kwarto ng kwarto ni Kyron. It was already past midnight when I woke up. Nakaramdam ako ng gutom kaya kumuha ako ng t-shirt sa closet at isinuot iyon. Bumaba ako sa kusina para sana kumain pero nadatnan ko doon si Manang Celia. Siya ang yaya ni Kyron mula pagkabata. Siya na rin ang tumayong pangalawang ina ni Kyron.

"Magandang gabi po Manang Celia." Magiliw na bati ko kay Manang Celia. Hindi na iba sa akin si Manang Celia at naging mabait rin sa akin si manang kaya hindi ko siya idadamay sa galit ko kay Kyron.

Gulat na napalingon sa akin si Manang Celia. Nabigla ako ng biglang namuo ang mumunting luha sa mga mata ni Manang. "Avery, iha, ikaw na ba talaga yan?" Nauutal-utal pa si manang sa pagtatanong sa akin.

Tumango ako bilang sagot. Napasinghap ako nang sa isang iglap lang ay yakap-yakap na ako ni Manang Celia. "Dyusmiyo iha, ligtas ka." Kumalas si manang sa pagkakayap sa akin at saka tinignan ang kabuuan ko. "Iha, kamusta ka na? Sigurado akong matutuwa si Kyron dahil nagbalik ka na."

"Manang chill lang po tayo. I'm okey and I'm safe." Nakakatuwa talaga tong si Manang Celia ever since before. Mas nauna pa nga akong naging malapit sa kanya kaysa kay Kyron.

"K-Kamusta na nga pala ang mga anak niyo? Normal naman ba sila? Premature babies sila di ba?"

Nabanggit na naman ang mga anak ko. "Opo pero wala na po sila Manang. Sumakabilang-buhay na po sila."

Bumakas ang lungkot sa mukha ni manang. "Pasensya na anak. Hindi ko alam na ganun ang nangyari. Kaya pala ganun na lang ang lungkot ni Kyron noong bumalik siya dito pagkatapos mong manganak."

What she said got my attention, especially the last part. "Po? Alam ni Kyron na wala na ang triplets?"

"Marahil iha. Noong isang taon kasi, umuwi dito yung batang yun nang lasing na lasing. Paulit-ulit niyang binibigkas ang pangalan mo at pati na rin daw ang mga anak niya. Ang pagkakaunawa ko naman sa sitwasyon noon eh baka kako nagtalo kayong dalawa at nilayasan mo si Kyron pero hindi naman pala ganun ang pangyayari. Wala rin naman kasing nababanggit yung batang yun. Nasanay na lang siya na may inaayos na problema ng mag-isa lang siya."

Then a memory of mommy and daddy shouting on the hospital flashed on my mind. Kung tama ang pagkakaintindi ko, nagpupumilit ang kung sino na makita ako. Marahil si Kyron ang lalakeng iyon pero dahil nandoon nga sina mommy at daddy ko, hindi siya nakapasok sa kwartong inookupahan ko.

Her Deceitful AdonisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon