Lesson 19

7.3K 156 8
                                    

Author's Note: Handa na ba kayong masaktan? Just asking!

Anyways, regards kay @Sweetemotera sa pagiging masipag sa pagcocomment! I really look forward to your comments every chapter! (Napansin mo bang nagpopost lang ako kapag nabasa ko na yung comment mo?) Thank you so much sa pagsuporta sa lahat ng stories ko! I love you!

****

Avery Rain Santillan

Instead of heading straight to the airport, nagtaka ako ng dumaan kami ng NLEX.

"I thought were going to Cebu? Bakit sa NLEX tayo dadaan?"

"Rason ko lang yun. We'll go to my private property on Bataan. You used to love that place."

What he said caught my attention. "I used to love? Nakapunta na ba ako before sa isa sa mga property mo?"

He was astounded with my question. "Yeah, before kasama mo ang family mo. Nagbakasyon kayo doon sandali."

Liar.

Hindi na ako umaangal pa at hinintay ko na lang na makarating kami sa Bataan. Upon realizing things earlier, hindi ko pa rin tuluyang matanggap at maisip na magagawa niya sa akin to. Akala mo walang nangyari sa nakaraan and he's just repeating it all over again. This time, ibang babae lang ang involved pero si Kyron ay si Kyron pa rin. Babaero at manloloko.

An hour later, we arrived at a place with a large gate. This place is Rainbow Paradise as they call it. This place is supposed to be a paradise but this place is full of sickening memories which makes me puke.

Fvcking Rainbow Paradise. Talaga bang gusto niya akong saktan ng paulit-ulit?

"Why bring me to this place Kyron?" I asked him as the car is taking the long driveway.

"Cause this place is special." He simply said.

Gustong-gusto ko siyang sampalin noong narinig ko ang sagot niya. He looks okey and all at mukhang wala siyang balak ipagluksa ang mga anak namin. I'm such a fool to believe that his feelings were once true.

"Paano naman naging special ang lugar na to? This place looks like a big jungle."

"My ex-fiance used to love this place. It was her request na huwag gagalawin ang mga puno at halaman dito. Yung villa lang ang ginagalaw dito but the garden is still intact cause its her favorite spot."

Gusto kong matawa sa sinabi niya. He's telling me things as if I don't know what the hell he's talking about. Well, hindi naman talaga niya alam na naalala ko na ang lahat. Blame the Lego House song of Ed Sheeran for bringing back my painful memories.

All of a sudden naintindihan ko kung bakit ayaw na ayaw nila mommy kay Kyron. They're fine with him as a family friend but definitely not a family member. Hinding-hindi siya iwewelcome ng pamilya pagkatapos ng ginawa niya sa akin at sa mga anak ko. He's a murderer. He's one sick murderer and a big fat liar.

"Mahal na mahal mo siguro yung ex-fiance mo no? Ano bang pangalan niya?"

"Si—Si Rain."

"Ohhh, magkapangalan pala kami. I just use Avery as my nickname."

Konting pigil pa Avery. Konting pigil pa. pwede mo na ring ipamukha at isampal sa kanya ang mga bagay na itinago mo sa loob ng mahigit isang taon.

Gusto kong ipagpasalamat na nawala ang alaala ko noon. I treat that as a blessing in disguise. Salamat dahil hindi ko na siya naalala. Yun naman ang gusto niya. Ang mawala ako sa buhay niya pero bakit ngayon, bumalik pa siya? He might as well rot himself into hell together with his mistresses.

Her Deceitful AdonisWhere stories live. Discover now