Lesson 36

5.9K 129 2
                                    

Avery Rain Santillan

Luckily, nasurvive ko yung lunch with his friends. Walang nakapansin na hindi ko suot ang singsing ko. Maski si Kyron na hawak-hawak ang kamay ko buong lunch namin ay hindi napansin na nawawala ang singsing ko. Pasalamat na lang ako at masyadong seryoso ang pinag-uusapan nila patungkol sa negosyo kaya rin siguro hindi niya napansin yung singsing.

At dahil hindi ko pa rin nababawi kay Claudine yung singsing ko, inuunahan ko palaging umuwi si Kyron. Maaga akong nagluluto ng hapunan niya at iniiwan iyon na nakahain sa mesa saka ako didiretso sa kwarto at matutulog. Kinaumagahan naman, it's either uunahan ko siyang layasan sa bahay o di kaya magpapahuli ako ng gising para lang hindi kami magpang-abot kuno. Magtatatlong araw ko na siyang tinatakasan para lang hindi niya ako matanong patungkol sa singsing.

At ngayong umaga, mas pinili kong unahang magising si Kyron. Mabilis akong naligo at nag-ayos. Dumiretso ako sa sasakyan at saka umalis na ng bahay. Mukhang nasanay na rin naman ang driver na kinuha sa akin ni Kyron na bumangon ng maaga dahil umaalis ako ng paiba-ibang oras.

Nagpalipas ako ng oras sa McDo branch na malapit sa opisina. Ilang plano na ang binuo ko sa utak ko para lang mabawi yung singsing ko na kay Claudine. Habang tumatagal kasi, parang mas lumalala yung problema.

Hanggang ngayon talaga hindi ko alam kung paano nakuha ni Claudine yung singsing! Kailangan ko na mabawi yun bago matapos tong linggong to dahil babalik na si Kyron sa opisina namin next week. Baka makahalata na yun kapag nakarating sa kanya yung pinagkakalat na tsismis ni Claudine.

Kumakain ako ng almusal sa McDo nang may biglang umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Nabulunan ako nang makilala ko kung sino yun.

"Oh! Wait," Inabot niya sa akin ang bote ng tubig at inalalayan akong uminom doon. "Bakit gulat na gulat ka naman makita ako?"

"You scared me!" Akusa ko sa kanya.

"Oh, I didn't want to scare you. I just want to eat breakfast with you. Ilang araw na kasi tayong hindi magkasabay sa almusal. Hindi na rin naman tayo nagpapaangabot sa hapunan kasi tulog ka na so I took the extra effort to wake up early and to eat breakfast with you." Nakangiting paliwanag niya.

Shit! His smile makes me feel more guilty!

There are times when I just want to confess to him the truth of me losing the ring. Ang hirap naman kasi ng ganito. Yung may tinatago ka. Isa pa, I miss him so badly. Gusto ko nan makabonding siya ulit kagaya noon. Pwede naman akong magpanggap pero halos isuka ko ang lahat ng kinakain ko kapag nanloloko ako. Pretending is not really my forte. It tightens my stomach into knots. Kaya nga alam ng parents ko kung kailan ako nagpapanggap at may tinatago dahil I always end up having that bad habit of vomitting the foods I eat.

"Sorry, medyo busy kasi sa opisina. Medyo napapagod na ako but I'm not complaining. Just saying."

And damn shit. I can feel the pancakes I ate running up my esophagus!

"Ikaw naman kasi sweetheart masyado kang nagpapakapagod. You can always ask for a break. Regular employees asks for that too." Paalala niya sa akin saka sinimulang kainin ang pancakes at sausage na inorder niya.

Stop yourself from vomitting Avery! This is not the right time! Sa opisina ka na sumuka!

And that became my mantra the entire time we stayed at McDonalds. Lampas isang daang beses ko ata inulit-ulit sa isip ko yung mga salitang yun mapigilan lang ang tangkang pagsuka ko.

When we finished breakfast, he headed straight to the builders and I headed straight to the office. Pagkadating na pagkadating ko sa opisina, instead na sa cubicle ko, sa restroom agad ang tuloy ko at isinuka ang lahat ng kinain ko.

Her Deceitful AdonisWhere stories live. Discover now