Lesson 1

21.1K 280 10
                                    

Avery Rain Santillan

"Good morning Avery." Nginitian ko na lang sila.

Wala ako sa mood na batiin lahat ng nakakasalubong ko at bumabati sa akin. Masyado silang marami para isa-isahin ko pa.

"Santillan, nasaan si Amber? Yung project namin hindi na siya nakakatulong tapos pumapasa siya?" Bungad sa akin ng isang babae na kadepartment namin ni Amber.

Tinaasan ko siya ng kilay. Anong tingin niya sa kapatid ko? Umaasa sa kanila para makapasa?
I admit. Hindi ko man kasing talino ang kapatid ko, di hamak namang hindi siya bobo para umasa sa mga kagaya nila.

"Aren't you thinking so high of yourself? Kahit pa gumawa mag-isa ang kapatid ko ng project niyo, magagawa niyang gawin yun. Hindi niya kailangang umasa sa inyo." Pagtatanggol ko sa kapatid ko.

Wala si Amber dahil nasa ibang bansa sila ni Niccolo para sa taping ng I Do, Idol. First wedding monthsary kasi nila at ngayon lang nagkatime si Niccolo para macelebrate nila yon.

"Ang yabang mo ah! Wag mo sabihing porket sikat ang pamilya niyo aangasan mo na ako." Sagot niya.

"Sandali nga, hindi ba ikaw ang naunang mang-away diyan? I was just quietly passing by this corridor tapos bigla mo kong haharangin?! Now tell me, who is being rude here?"

"Ang yabang mo ah. Porket member ka ng Elites?! Magaling." She said.

"Kasalanan ko ngayon kung hindi ka makapasok ng HU Elites?! Mag-aral ka ng mabuti ng mapaunlad niyo ang kompanya niyo at makapasok ka sa Elites." Those are my final words before I continued walking.

Nanlisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. The hell I care about her. Ayoko ng ginawa niya sa akin. Ayoko ng ginawa niya sa kakambal ko.

Napansin kong dumadami na ang mga taong nakikiusyoso sa amin. Hindi na ako magtataka kung may video na namang mapost sa facebook page ng HU Elites.

HU Elites is the official group of the most powerful students who are studying here in Hammerstein University. There are only ten persons who can be a part of the HU Elites. Halos every year nababago ang mga bumubuo ng Elites.

Just like this year. Jamie Mara Aquino was added to the latest list of HU Elites. She was just a transferee from another university. Just because she's a daughter of the president of the Republic of the Philippines, automatic siyang napasok sa HU Elites.

And I am proud to say that I am one of the HU Elites. Why shouldn't I be proud? Kadugtong na ng apelyidong Ricafort-Santillan ang pera, kapangyarihan at kasikatan.

Dalawa kaming member ni Amber ng HU Elites. Counted kami as one dahil parehas kaming Santillan dahil twins kami.

Being a member of the HU Elites has many privileges. Kasama na doon ang choice if you'll attend the class or not. Hindi kasi mahalaga sa mga member ng Elites ang attendance. Of course, when you belong to a powerful clan, hindi malayong marami kang extra-curricular activities outside school. The university is considerate for those activities.

They'll just give you hand-outs at choice mo na kung magbabasa ka o hindi.

Pero hindi porket ganun ang rules ng HU Elites, basta-basta na lang kami. We have grades to maintain. No grades below 1.50. Tama kayo ng basa. If you became a member of Elites, hindi baba sa 1.50 ang average mo.

At dahil sa Elites kaya ako napapasok sa school ngayon. They changed our adviser so the new adviser decided to hold a meeting today.

Pagdating ko sa official building ng HU Elites, sinalubong ako agad ng receptionist doon.

Her Deceitful AdonisWhere stories live. Discover now