Lesson 34

6.8K 133 10
                                    

Author's Note: "It doesn't need a genius to read between the lines..."

****

Avery Rain Santillan

Mamaya ay media noche na at ito ang unang pagkakataon na magkakasama kaming buong pamilya para magcelebrate nito. When I say whole family, I counted the triplets in and of course, Kyron. Hindi daw kasama sa pamilya namin si Niccolo sabi ni daddy. Kawawa naman si Niccolo dahil sa ngayon, siya ang puntirya ni daddy.

Buti na lang at lumayas na si Charina. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta at kung ano man ang sinabi sa kanya ni Kyron para mapaalis niya yung babaeng yun. Okey na ako na at least, magsisimula ang panibagong taon ko ng matiwasay.

"Sweetheart, do I look okey with these?"

Napalingon ako kay Kyron na lumabas mula sa walk-in closet ko sa mansyon. He's wearing a polka dots polo covered with a grey v-neck sweater. He matched it with a tight black jeans and a keds champion originals white shoes. He looked like a teenage fvck boy with his outfit.

"Sinong customer mo tonight?" I asked him as I tie the shoelace of my keds shoes. We have a couple outfit tonight.

Actually, he looked so cute with hia outfit. Gusto ko lang talaga siyang asarin na mukha siyang fvck boy kasi napag-usapan namin yung kasamahan niya sa gym na customer daw ng isang congressman dito sa Pilipinas. Binigyan pa nga daw yung kaibigan niya ng Toyota jeep. Inasar ko siya kung customer din ba siya nung call boy na yun at parang alam na alam niya ang buhay nung lalakeng yun. Napikon ang loko kanina kaya aasarin ko siya ulit ngayon.

I felt his hands on my waist, sensually touching it. "Baka gusto mo kong i-book tonight? Wala akong customer dahil New Year ngayon."

Aba? Marunong na siyang makisakay sa joke ngayon samantalang kanina pikon na pikon siya.

Humarap ako sa kanya at inayos ang lukot sa sweater niya. "Hmmm, pag-iisipan ko. Magkano ka ba?"

He smirked. "Since holiday naman, for you, its free. May additional service pa."

Natawa na ako ng tuluyan sa paraan ng pagkakasabi niya nun. Dinagdagan pa ng disturbing thoughts na pumasok sa utak ko ng dahil sa offer niya.

"Pag-iisipan ko. Who knows if after the party, I'll accept your offer." I winked at him.

Lumabas na kami ng kwarto ko at dumiretso sa kwarto na triplets na konektado sa kwarto ko. Una na naming binihisan yung triplets bago kami nag-ayos. This year, pare-parehas kami ng suot. Nagpacustomize pa kami ng sapatos para sa triplets para lang talaga pare-parehas kami ng susuotin.

Kasama ang mga bata, bumaba kaming dalawa. Nadatnan ko sila daddy at mommy na magkaterno rin sa kanilang black and white outfits habang naka-yellow naman ang mga kapatid ko. Ang sabi kasi, yellow ang lucky color ng papasok na taon kaya siguro ganun ang kulay ng mga suot nila.

"Oh, let's take the photo." Daddy announced then we positioned ourselves at the sofa placed at the grand terrace of the mansion. Mommy and daddy were both seated on the sofa habang kalong-kalong sila Apollo at Ariesa habang katabi nila kami ni Amber on both sides. Kalong ko si Heindrix. Sa likuran namin ay nakapwesto ang mga lalake. Nasa likuran ko si Kyron habang buhat-buhat sina Heinz at Heinrich.

I can't contain the overwhelming emotions I'm feeling right now. Nakakatuwa na nakakaiyak na nakakapanibago, lahat na. Holding my son right now while taking our annual family photo... ang hirap i-explain in words yung pakiramdam pero alam kong masaya ako at natutuwa ako. Everything feels special right now because of my family I can call my own.

Her Deceitful AdonisOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz