Lesson 40

10K 174 6
                                    

Author's Note: This concludes the entire HDA! Thank you so much for reading Avery's story! Hope you liked it till the end!

Took me 52 days to finish this story. The fastest I did so far. I guess I just hate Kyron that much. Haha!

Enjoy!

****

Avery Rain Santillan

It was amazing how time passed by so fast. It also amazed me how I managed to survive this long without him by my side. Akala ko magiging madali lang ang lahat dahil nagawa ko namang mabuhay noon ng wala siya.

Pero iba pala. Ibang-iba.

I was staring at the magnificent view of the city here at my office. Almost half a year since he'd been gone, I drowned myself with work and tried my very best not to let him and his memory slip on my mind. Ginawa kong excuse ang pagiging busy para lang hindi siya maisip at maalala.

Cause everytime I do, it won't take a minute longer to see myself crying like there's no tomorrow. The memories that would always remain with me bacame the wound that won't be healed forever.

As I sat on my swivel chair here at my office, our last family photo was on my desk. Nagtataka ako kung bakit nandito yan sa desk ko samantalang inalis ko na yan. Minabuti kong picture na lang ng triplets ang ilagay sa desk ko para hindi ko na siya maalala. Perhaps, my assistant placed it there.

Pagkatapos kong magtrabaho sa opisina, dumiretso ako sa cafe kung saan kami magkikita ni Jin. He was Kyron's friend. Nandito kasi silang lahat sa Manila dahil birthday na ni Kyron sa isang araw.

"Hi Avery! Long time no see!" Nakangiting bati niya sa akin.

"I'm doing fine. Kamusta na Jin?"

"But you don't look mighty fine to me. I don't think Kyron would like seeing you at this state. Pakiramdam ko tuloy nagkapalit lang kayo ng posisyon ni Kyron. Ganyang-ganyan din ang itsura niya noong nawala ang alaala mo. Para siyang tanga na hindi mo maintindihan."

"Are you telling me na mukha akong tanga?"

Nanlaki ang mata niya sa gulat dahil sa tono ko. "Hey, I wasn't pertaining to that. Nakakatawa lang kasi parehas na parehas kayong mag-cope up ni Kyron. You're drowning yourselves with work."

I faced the glass wall of the cafe. "I don't have much choice right? Hindi naman pwedeng habambuhay akong magpakalunod sa lungkot. I still have my sons who needs me. Kung susundan ko si Kyron, malamang itulak niya lang ako pabalik dito. Hinding-hindi niya ako tatanggapin doon."

"Anyways, its his birthday on the friday. Anong plano mo?"

"Magtrabaho at mag-overtime sa opisina. I have tons of things to do sa company."

Kakabukas ko lang ng publishing house three months ago. Hindi madali ang pamamahala noon lalo na at nagsisimula pa lang ako but so far, I'm doing a great job with my company.

"Hindi mo pa rin ba tanggap Avery?"

I exhaled. He's never tired of this topic. "Jin, for the nth time. Tanggap ko na ang nangyari okey? Sana huling tanong mo na yan."

"Then why aren't you seeing him? Bakit hindi mo siya magawang puntahan? Magmula noong nangyari yung aksidente Avery, hindi na kita nakitang pumunta sa kanya. It was like you hust waited for him to vanish forever."

I glared at him. "You don't know what I'm feeling Jin. Hindi mo alam ang pakiramdam nang nasasaktan sa tuwing nakikita mo ang mga bagay ba nagpapaalala sayo sa taong mahal mo. Hindi mo alam kung gaano kasakit at kabigat sa pakiramdam yun Jin. Madaling magsalita. Madaling sabihin pero ang hirap-hirap gawin na mabuhay na parang walang nangyari. Kung wala lang kaming mga anak na umaasa rin sa akin, malamang matagal ko na siyang sinundan. I won't be here in front of your very eyes, crying because I can't be with him now even if I wanted to. Hindi ko iiwanan ang triplets. Never. I'm going to be a parent to the triplets cause I know that's what Kyron wants me to do if he's here with me."

Her Deceitful AdonisWhere stories live. Discover now