Lesson 18

7K 113 3
                                    

Author's Note: "Merci beaucop." - Elle

****

Avery Rain Santillan

Katatapos lang ng presentation namin sa harap ng board at ni Kyron. He was just smiling and grining like a fool the entire duration of the meeting which I find so weird.

Habang nagpepresent ako, nakakabother yung itsura ng mukha niya. Aside sa mukha siyang tanga dahil nga nakangisi at nakangiti ng walang dahilan (iisipin ko talagang may balak siyang manabotahe ng plano kung hindi ko narinig na approve na sa kanya ang plano ko kahapon pa lang), I also find it weird na kahit na nagkakamali ako sa mga sinasabi ko, nakangiti at nakangisi pa rin siya na parang ewan.

"Congrats Avery! Party tayo mamaya!" Yaya ni Joseph sa akin at sa buong team.

"Thanks guys but I would like to go home. May aayusin pa kasi ako sa bahay."

"Aww. Sayang naman Avery. Eto pa naman sana yung first time na makakasama ka namin." Nanghihinayang na sabi ni Rica.

"As much as I wanted to enjoy with you guys, hindi talaga pwede. Kailangan ko na kasi talaga bumalik. Next time na lang tayo magparty? Maybe after the company Christmas Party para damang-dama na natin yung enjoyment. Double celebration na yun."

Napalingon ako kay Joseph dahil sa biglang pag-akbay niya sa akin. "Oo nga guys. Huwag na nating pilitin si Avery. Tayo-tayo na lang muna ang lumabas." Humarap siya sa akin saka kumindat.

Napailing sabay napangiti na lang ako. Minsan talaga, makakatulong din kapag may kaibigan kang alam kung anong nangyayari sayo. He or she will be always there to cover you. Malamang din naramdaman niyang wala naman talaga ako sa mood na makisama sa kanila sa ngayon. Maraming bagay din kasi ang gumugulo sa isipan ko kaya malabo talagang mag-enjoy din ako sa ngayon kasama nila.

Biglang tumahimik ang paligid ng makarinig kaming lahat ng tikhim na nagmula sa likuran ko. Napatayo ng tuwid si Joseph at inalis ang pagkakaakbay niya sa akin ng makita kung sino ang nasa likod ko.

"Ay Mr. Tanjuatco!" Masiglang bati ni Joseph kay Kyron.

Ang giliw ng pagkakabati ni Joseph kay Kyron pero yung panlilisik ng paningin ni Kyron kay Joseph, hindi man lang napansin noong isa. Malamang sobrang saya noong isa dahil tinanguan siya ni Kyron.

Kung alam niya lang...

"Good job guys. I commend you for a job well done. I'll reward you guys if you'll successfully hold the event. I assign you Ms. Claudine to be the head of the preparations for the event." Napalingon ako kay Kyron nang marinig ko ang sinabi niya. Ako ang nagplano para sa event na yun kaya dapat lang na ako ang umasikaso noon! "Ms. Santillan did a great job stating the details of the event. Walang magiging problema kung ikaw ang magiging head ng preparations."

"Pero Sir, si Ms. Santillan-"

"I'll bring Ms. Santillan with me for a business trip in Cebu. We'll be staying there for one week. Makakabalik lang kami in time for the Christmas Party. Sana lang hindi porket wala si Ms. Santillan dito, hindi na kayo kikilos." Bumaling siya kay Claudine. "Remember Ms. Claudine, kapag pumalpak ka, damay ang buong team mo. Please be responsible enough as their new leader."

Halatang nabigla ang lahat sa anunsyo ni Kyron. Kahit naman ako mismo hindi ko alam ang mga pinagsasasabi nitong business trips sa Cebu. Bakit nga naman kasi isasama niya ako dun? Ang hiniling ko short break from work alone with him. Hindi makisama sa kanya sa business trips sa kung saan.

As much as I would love seeing him working his ass off like there's no tomorrow, mas gusto ko talagang magrelax sa mga panahon ngayon. What my mom said still bothers me a lot but I've decided to handle those shits after the Christmas break. For sure, may kinalaman naman kay Kyron ang lahat ng gumugulo sa isip ko. Sana lang, hindi ko ikabigla ang kung ano mang malalaman ko sa hinaharap.

Her Deceitful AdonisWhere stories live. Discover now