Lesson 13

7.9K 155 4
                                    

Author's Note: I stared at my photos last January and my latest photos yesterday then I realized one thing.

Ang laki na ng tinaba ko! 😱 Stress fed my fats really well! Sa March 6 pa matatapos ang kalbaryo ng stress sa buhay ko kaya tataba pa ako lalo? 😭

#AyokoNaTumabaPaLalo #KasiMahirapMagpapayat

****

Avery Rain Santillan

We headed straight to Royale Palace Condos. Napatitig ako sa matayog na building na nasa harap ko. Competitor ng kompanya namin ang developer ng building na ito kaya hanggat maari, ayoko sanang pumasok sa property na to pero mukhang wala akong choice kundi ang tumuloy dahil kinaladkad na ako ni Kyron.

"Empleyado ka ba ng kalabang kompanya ng kompanya namin? Bakit palagi mo kong niyaya sa mga building nila? Noong una sa Royale Palace Hotel ngayon naman sa condo nila. Yung totoo? Don't tell me may dugo kang Holstein-Sonderburg?!"

Nagtaka ako ng hindi siya huminto sa entrance ng building. Dumiretso siya sa second level basement parking ng building.

"To answer your question, no. Barkada ko lang ang CEO ng Holstein-Sonderburg Group of Companies. In fact, walo kaming magbabarkada na naka-invest sa kompanya niya. Of course, with a limited number of percentage. Hindi naman kasi papayag si Ros na iba ang magmay-ari ng kompanyang pinaghirapang buuin ng royal family."

"Royal family?"

"Yes." Sagot niya habang pinapark ang sasakyan niya. "He's part of the Swedish Royal Family."

Woah. Hindi ako aware na ganun kabigtime ang mga kaibigan ni Kyron. I thought he was just some kind of a happy-go-lucky guy but strict boss. Hindi kasi halata sa kanya na parang palaging nakakulong lang sa opisina niya.

"How did you met him?"

Kumunot ang noo niya saka bumaling sa akin. "I used to live in Sweden for almost a year. Doon kami nagkakilala. We became drinking buddies."

Drinking buddies? Lalake? "Don't tell me lalake ang hanap mo Kyron?"

Nanlisik ang mga mata niya na napatingin sa akin. "What do you take me as for Avery? Gusto mo bang patunayan ko sayong lalakeng-lalake ako?"

Napangisi ako. "I think you have proven that enough."

He made me wear his jacket then went out of the car. Napataas ang kilay ko sa itsura niya. Is he serious on going on his condo wearing that piece of clothing?! Boxer shorts and sando?!

He opened the door on my side. "Ang lakas ng loob mong lumabas ng nakaganyan lang huh?" I playfully tapped his abs. Infairness, well defined.

"Why?" Napatingin pa siya sa katawan niya. "Hindi ba maganda ang katawan ko? Should I a lot more of my time to the gym?"

Gosh! Hindi ko alam na self-conscious pala si Kyron. Pero tanggap ko ng self-conscious siya kaysa naman sa maging narcistic siya. Mas malala naman yun.

"Okey na yan." I eyed him from head to toe.

Inunahan ko na siya sa pagsakay sa elevator. Saktong pumasok din ang isa pang pasahero ng elevator. Nang mapatingin siya sa akin, sumipol siya ng matitigan niya ang hita ko. That gesture made my brow arch up.

Her Deceitful AdonisWhere stories live. Discover now