Lesson 30

7.5K 135 4
                                    

Author's Note: And now, the end is near...

Next week na po ang next updates! Thank you! :)

****

Avery Rain Santillan

Sinamaan ko ng tingin yung pontio pilatong pumuyat sa akin kagabi. Hindi naman ako magkakailang nagustuhan ko yung ginawa namin. Katwiran nga niya, "umuungol ka sa bawat galaw ko. Hindi ka ba nag-enjoy sa lagay na yun?"

Being this close to him reminds me of our older times together on his condo unit. During those times when he used to be my live-in partner. Hindi naman kasi kami kasal noon. Yes, were engaged but I was the one who asked the favor of rescheduling the wedding. I just don't feel like getting married to him yet especially when I can't feel any assurance from him.

Pero nakakapanibago yung ganito. Yung lahat ng atensyon niya, nasa akin. Yung isang tawag ko lang, nandiyan na siya agad para lumapit at tugunan ang pangangailangan ko.

Noon, hindi lang mga kapatid niya ang kahati ko sa atensyon niya. Pati lahat ng kabarkada niya at ang mga ex niyang hilaw, karibal ko sa atensyon niya. Noong una, wala naman talaga akong pakialam. I don't feel anything for him way back then. But everything changed when he confessed to me and I confessed my feelings to him too. Our feelings were mutual and I felt that it had to have commitment for it to last. One thing I regretted the most.

Nang magsimula na kasi kaming magkaroon ng commitment, noon mas bumigat ang lahat. Isang simpleng salita lang ang commitment pero ang yun ang sumira ng lahat sa pagitan naming dalawa.

"Bakit ang tahimik mo? Inaantok ka pa ba?"

Katatapos lang naming mag-almusal na dalawa at wala talaga ako sa mood na kausapin siya. Kung ipapaliwanag ko ang nararamdaman ko, nabubwusit ako sa kamanyakan niya. He really used the permission daddy gave him noong sinabi ni daddy na punish me.

Hindi naman na talaga ako galit sa kanya. Kung patuloy akong magagalit, pasasamain ko lang ang pakiramdam ko at pabibigatin ang bagahe ng puso ko. Mas maigi pang patawarin na lang siya dahil wala na rin namang mangyayari. Nag-enjoy rin naman ako sa ginawa niya.

Pero nakakabwusit talaga ang ngisi niya ngayon habang nag-aalmusal kami. "Huwag mo kong kausapin Kyron. Hindi porket sinabayan kitang mag-almusal, maayos na tayong dalawa. Tsansing ka din eh. Porket pinayagan kayo ni daddy, abuso din?"

Mas lumawak ang pagkakangisi niya. "You loved it right baby?" He winked at me. "Don't worry, I'm always a call away whenever you're in heat."

I faked a laugh. "Oh, oo nga pala. Ikaw nga pala si Superman ano? You're always one call away. Sayo ba inspired yung kanta ni Charlie Puth na One Call Away? Bagay na bagay sayo yung kanta eh."

"For you I can be superman." Nakangising sabi niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo ko maloloko gago. Maghanap ka ng ibang babaeng maloloko at mauuto mo."

"Kapag ba ginawa ko yang inuutos mo, hindi ka iiyak?"

Hindi ako makapaniwala sa kakapalan ng mukha ng lalakeng to! Mas maigi pa noong hindi ko pa naalala ang mga alaala ko. Hindi nag-uumapaw ang kayabangan sa katawan niya noon. He's the epitome of a gentleman to me but I instantly burned that thought to hell when I remembered my lost memories.

Her Deceitful AdonisDonde viven las historias. Descúbrelo ahora