Lesson 12

7.3K 136 7
                                    

Author's Note: Sa mga nakabasa ng rants ko about kay Yousef Kyron sa tumblr, congrats sa inyo! At least alam niyo kung bakit wala kayong nababasang POV niya. 😂✌🏻️

****

From a deep slumber, he was awakened by the loud buzz of his phone. Kahit pa inaantok, pilit niyang sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hello Yousef?" That voice is familiar and that was no other than Nadine, his ex-girlfriend.

He wasn't really bothered that his ex called him but he was bothered with her tone. Mukha kasing kasalukuyan itong umiiyak.

"Wait? Are you crying? What happened?"

Kahit pa matagal na silang break ng dating girlfriend, nanatili pa rin naman ang pagiging magkaibigan nilang dalawa kaya nagagawa niyang kamustahin ang kalagayan nito.

"Si... Si Jin kasi..." He sobbingly answered on the phone.

Napalingon siya sa fiancé niyang mahimbing ng natutulog sa kama nila. He made sure that Avery's in a deep sleep. Ayaw niya kasing magising ito dahil kailangan ng mga buntis ang pahinga. Late na rin kasi silang natulog kanina dahil napagtripan ng fiancé niyang manood ng movie.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang magising ito ay dahil sa ramdam niya ang matinding pagseselos ni Avery kay Nadine. Kahit pa ilang beses niyang sabihin at iparamdam dito na wala siyang nararamdaman kay Nadine, ayaw siya nitong paniwalaan kaya ginawa niya ang lahat huwag lang itong magselos. Iniwasan niya si Nadine at hindi na kinausap magmula ng magkaroon sila ng konprontasyong tatlo.

Maingat siyang bumangon mula sa kama. "What did he do this time?"

"He cheated on me Yousef." Mas lalong lumakas ang iyak nito sa kabilang linya kaya napangiwi si Kyron. "Bakit ganyan kayong mga lalake?! Mga manloloko kayo!"

Hindi niya magawang makasagot sa tanong ni Nadine dahil guilty siya sa sinabi nito. Si Avery kasi ang dahilan kung bakit nagkahiwalay silang dalawa. Avery being pregnant and the forced engagement was the reason why they broke up.

But he won't regret breaking up with her cause he met the sweetest girl he could ever meet in this world. Hindi niya pinagsisisihang hiniwalayan ang kasintahan sa loob ng limang taon para kay Avery.

He would even give up his world for her. That's how much he loves her.

"Stop crying now Nadine." Napasulyap siya sa digital clock na nasa bedside table. "It's past two in the morning. Itulog mo na lang yan."

"Pero wala ako sa condo."

Napakunot ang noo niya. "It's late night Nadine. Where the hell are you?!" Hindi niya maiwasang mag-alala para sa kaibigan dahil disoras na ng gabi pero nasa labas pa rin ito.

"People's park. Sa may playground."

"Damn it! Umuwi ka na! Baka mapaano ka pa diyan."

Imbes na sagutin siya ay mas lalong lumakas ang pagngawa nito sa telepono kaya bahagya niyang inilayo ang telepono sa tenga niya.

Her Deceitful AdonisWhere stories live. Discover now