Lesson 6

8K 162 4
                                    

Author's Note: Guys, hindi po ako nagpopondo ng chapters if that's what you're thinking kaya almost everyday or every other day ang updates ko. I write a few hours before I post an update. Sana lang po walang magagalit kapag hindi ako nakapag-update that day or I missed posting an update cause it only means one thing. Busy ako at hindi maisingit sa schedule ko yung pagpopost.

Thanks for understanding guys and please do enjoy reading.

****

Avery Rain Santillan

My one week on CHG was so far, so good. Maliban sa pasakit ng kabi-kabilang utos ng boss ko (not Kyron though), wala naman na akong mairereklamo pa. Wala ring mintis sa pagpapadala ng pagkain si Kyron which I find so weird. Alam ko naman kung anong habol niya but why did he had to do all this efforts?

Medyo tahimik lang ang mundo ko sa ngayon dahil nasa Iceland si Kyron at abala sa kung ano mang business meetings doon. If my infos were right, he was working out on expanding one of his companies there.

"Hi princess." Napalingon ako sa likod ko at naramdaman ko ang pagdantay ng kamay ni daddy sa balikat ko.

"Hi dad."

"How's your work? Medyo namiss kita princess."

Napangiti ako. Nasanay siguro silang nasa bahay lang ako. Hindi naman kasi ako palalabas hindi kagaya ni Amber. It's not a negative thing for my twin though. Kapag nasa labas naman kasi siya madalas mall o di kaya park kasama ng mga barkada niya ang trip nila.

"I'm doing fine dad." Napansin ko ang malungkot na aura ni daddy. "Dad, may problema po ba?"

"Amber talked to me and your mom."

"Po? May problema po ba si Amber?"

"Wala namang problema ang kakambal mo. Nagpaalam lang siya kung pwede daw ba siyang mag-aral sa France."

France?! Seriously? Ano naman kayang nakain ni Amber para maisipan niyang mag-aral sa France?

"Pero dad if she'll go to France, eh di aalis na siya sa show?"

Ano naman kaya ang nakapagpabago ng isip ni Amber? This is not so her. Alam kong matagal na niyang gustong makasama si Niccolo. This show is an opportunity for her and yet papakawalan niya? What's happening to her?

"Nasaan po si Amber dad?" Mukhang may problema ang kakambal ko.  I think I need to talk to her.

"Nasa kwarto niya. Huwag mo na lang abalahin kung tulog na. Kararating lang nun galing sa taping. Baka pagod pa." Paalala ni daddy sa akin.

Iniwan ko si daddy sa terrace saka dumiretso sa kwarto ni Amber. Unlike what I expected, nakatayo siya sa balcony ng kwarto niya at nakatitig sa labas.

"Amber, may problema ba?"

Gulat na napalingon siya sa akin. Kahit pa ngumiti siya, alam kong hindi naman talaga siya masaya. Tears are even forming on her eyes. "Wala naman ate."

Now this is weird. Wala yung lively kong kakambal. It's like she was gone with the wind. Pakiramdam ko ibang tao ang kaharap ko ngayon. Ano bang nangyari sa kanya habang nasa Singapore sila ni Niccolo?

Tumuloy ako sa kwarto niya saka ko sinara ang pinto ng kwarto niya. "Dad told me that you want to study in France. Why Amber?"

"Just wanted a change of atmosphere." Iniwas niya ang tingin niya sa akin saka tumingin sa malayo. "And I wanted to pursue fashion designing. Mag-aaral ako dun ate."

Her Deceitful AdonisWhere stories live. Discover now