Lesson 7

7.8K 161 2
                                    

Author's Note: Guys, regarding the photo I posted on instagram. Hindi po ako yung nag-audition sa Just Duet ng Eat Bulaga okey? It was my friend.

****

Avery Rain Santillan

Idinilat ko ang mga mata ko ng makabawi ako mula sa pagkakagulat. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi sa akin bumangga yung sasakyan. I don't know what happened but a car appeared in front of my car and that was the one which was hitted by the car.

Nang makalma ako, madali akong lumabas ng sasakyan ko at tsaka tinignan yung isa pang sasakyan nabangga ng kasalubong kong sasakyan. When I checked the collision, nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi sa mismong pinto ng driver's seat tumama yung sasakyan. Sa unahang part lang ng 2015 Porsche 918 Spyder tumama yung honda civic.

Damn! The driver would definitely pay some bucks for this! Hindi biro yung sasakyang nabangga niya.

Lumabas yung driver ng honda civic tapos kinatok-katok yung pinto ng driver ng Spyder. Hindi na dapat ako nakikiusyoso pero hindi ko mapigilan. I should be thanking the driver of the Spyder for saving me (though I won't say it out loud. It might sound so weird that I'm thankful that he or she was involved in an accident).

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring nangyayari. Hindi pa rin sumasagot yung driver ng Spyder. I decided to open the passenger seat to check the driver. Tinted kasi yung sasakyan niya kaya hindi namin malaman kung ano ng nangyari sa kanya.

"Oh my god!!!" This isn't real right?!

Kyron was unconscious inside the car. Though there wasn't any signs that he got hurt, malamang yung impact ng pagkakatama ng ulo niya sa headrest ng sasakyan niya yung dahilan kung bakit nawalan siya ng malay.

Pumasok ako saka pilit siyang ginising. "Kyron, Kryon!" I held his hand and felt his pulse. May pintig pa naman yung pulso niya. Nakahinga ako ng maluwag doon.

Pero paano siya nakarating dito? Nandun siya sa building ng condo di ba? Why all of a sudden nandito na siya sa harap ko?

"A-Avery..." Hirap na hirap na bulong niya habang pilit na dinidilat ang mga mata.

I was quite surprised hearing my name on his lips. I was at least expecting that he's going to call Amber's name. Bakit ako ang hinanap niya?

I had the urge of holding his hands that's why I did so. "I'm here." He held my hands tighter. "Are you alright? Do you want me to rush you to the nearest hospital?"

Umiling siya. "No. Can I ask a favor please?"

"What?"

"Can you settle this? I really can't do that. Sobrang sakit ng ulo at ng leeg ko."

Mukha namang wala akong choice. "Alright. Stay here. I'll rush you to the hospital once I settled this."

Lumabas na ako sa sasakyan niya at nakipag-usap sa nakabangga sa kanya. Medyo napangiwi lang ako dahil the driver was actually begging me not to pay for the damages of the car (which I find impossible knowing Kyron) that would really cost a fortune knowing that it was a Porsche Spyder. Kahit pa siguro ibenta nitong kaharap ko ang sasakyan niya, hindi sasapat yun pambayad sa damages na nagawa niya sa sasakyan ni Kyron.

"Miss, nakikiusap na ako sayo. Manganganak na yung misis ko sa susunod na buwan. Ayoko namang ipambayad sa damages nitong sasakyan yung ipon namin ng asawa ko."

Why does he have to place me in this? Susumpungin ako ng migraine sa pinapagawa niyang to eh!

"Uhmm, mister medyo mahirap yata yan. Medyo kuripot kasi ang boss ko. Sigurado akong sisingilin ka niya regarding damages." Mamatay na talaga ang sinungaling Avery. Mamatay na talaga.

Her Deceitful AdonisWhere stories live. Discover now