My Tag 5

62.4K 1.7K 489
                                    

My Tag 5

Sitti's POV

NANDITO NA ako ngayon sa may park kung saan sinabi sa akin ni Kaizer na maghintay ako sa kanya.

Kung tama ang pagkaka-Google ko kanina, ang mga "nanliligaw" ang naghihintay sa babaeng "nililigawan" nila. Hindi vice versa!

Pero s'yempre, sino ba naman ako para maging demanding 'di ba? First time kong ma-experience na maligawan. Magiging choosy pa ba ako sa kung ano ang hindi dapat gawin sa akin ng manliligaw ko na si Kaizer Buenavista?

Sa totoo lang, kapag naiisip ko pa rin ang salitang ligaw, hindi ko pa rin maiwasan na pamulahan ng mukha.

Kung social status ang pag-uusapan, langit ang putik ang layo ng agwat namin ni Kaizer sa isa't-isa.

Siya ang nasa langit, ako ang nasa putik.

Napatingin ulit ako sa damit na pinilit pasuotin sa akin ni Mama saka ko biglang naalala ang naging daloy ng pag-uusap namin kanina bago ako tuluyang umalis ng bahay.


"SIGURADO PO ba kayo, Ma na okay lang na ganito ang suot ko?" alanganing sabi ko habang nakatingin ako sa sarili ko do'n sa malaking salamin sa kwarto ni Mama.

Matapos niya akong ayusan ng buhok at make up-an—at p'wersahang ipasuot sa akin itong damit na niregalo niya sa akin no'ng pasko—hindi ko tuloy maiwasan makaramdam ng kaba at pagkailang sa nakikita kong itsura ngayon dito sa may salamin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ang ganda mo nga d'yan sa suot mo?" sagot ni Mama. "Saka hindi p'wedeng hindi ka maging maganda d'yan dahil ako na mismo ang nag-ayos sa'yo. Ako na dyosa ng kagandahan!"

Muntik na akong matumba dito sa kinatatayuan ko. Hindi dahil sa mataas na takong ng sapatos ko ngayon kundi sa pagpupuri na naman ni Mama sa sarili niya.

Siguro uulan muna ng snow sa Pilipinas bago huminto si Mama sa pagbubuhat ng sarili niyang "kagandahan", sa isip ko.

Muli akong napatingin sa sarili ko sa huling pagkakataon.

Suot-suot ko ngayon 'yong royal blue above the knee silk dress na bigay ni Mama. Medyo naiilang ako sa see-through peach color na parte ng damit ko sa taas kung saan nakikita ang balikat at collarbone ko pero ang sabi ni Mama ay okay lang naman daw 'yon dahil kasama 'yon sa design ng damit at saka nagko-compliment naman 'yon sa damit at kulay ng balat ko.

Kung may isa man akong nagagandahan sa damit na 'to maliban sa kulay ay 'yong peach ruffles na nasa ilalim ng royal blue na tela ng damit ko.

Sa buhok ko naman, wala namang masyadong ginawa si Mama maliban sa sinuklay niya lang ang buhok ko at hinayaang lumaylay sa balikat ko ang natural kong kulot na buhok.

"Siya nga po pala, Ma," sabi ko nang mapatingin ako sa kapares na sapatos na suot ko ngayon. "Saan n'yo po nakuha 'to? Mukha pong mamahalin."

"Hindi lang 'yan mukhang mamahalin, anak. Mahal talaga 'yan!"

Muntik ko nang masipa paalis sa paa ko ang suot kong sapatos nang bigla akong hawakan ni Mama sa magkabila kong balikat para pigilan ako sa mga binabalak ko.

"Oops! Huwag mong gagawin 'yan. Nagiging OA ka na naman, Sitti!"

"E, bakit n'yo pa po kasi ako kailangan bilhan ng ganitong kamahal na sapatos? Ma, 'di po ba sabi ko okay lang kahit anong isuot ko?"

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now