Prologue

69.1K 1.7K 373
                                    




Prologue


"PASENSYA NA talaga kayo kung iiwan ko na naman sa inyo ang anak ko."

Inangat niya ang kanyang tingin sa mga nakangiting tao na nasa harapan niya.

Nasa mata niya ang takot kaya dali-dali siyang napahawak nang mahigpit sa laylayan ng damit ng kanyang magulang bago binaling dito ang mga inosenteng tingin nito.

"H'wag kang mag-alala. Mabait naman ang anak mo. Hindi naman siya nakakaabala sa amin. Sa katunayan nga n'yan, natutuwa kami ng asawa ko na alagaan siya kasi matagal na naming gustong magkaroon ng anak na babae."

"Oo nga pala! Parehong lalaki ang anak n'yo," sabi ng Mama niya saka ito lumuhod sa harapan niya. "Baby, dito ka muna ulit kanila tita mo, huh? Huwag kang malikot para hindi sila magalit sa'yo."

"Papaluin ba nila ako?"

Muli siyang napalingon sa babae't lalaki na nasa likuran na ngayon ng Mama niya nang marinig niya ang mahihinang tawa ng mga ito para sa sinabi niya.

"Nako, hindi! Kahit ano pang gawin mo, hindi ka namin sasaktan."

"Talaga po?"

"Talaga. May binili nga kaming ice cream ng tito mo sa loob para sa inyo. Gusto mo bang kumain tayo mamaya?"

Biglang kuminang ang mata ng batang babae saka ito sunod-sunod na tumango.

"Ini-spoil n'yo na naman ang anak ko," dinig niyang sabi ng Mama niya do'n sa isang babae. "Baka mamihasa 'yan dito at hindi na gugustuhing umuwi sa bahay."

"Okay lang 'yon, ano ka ba! Ganyan talaga ang mga bata. Mahilig sa matatamis. Dapat mas maging maluwag ka sa kanila. Saka mo na paghigpitan kapag malapit ng mag-boyfriend," natatawang sabi ng babae bago ito humarap sa kanya. "Isa pa, napa-cute talaga nitong anak mo. Ang hirap humindi sa kanya. Mata pa lang, tutunawin na puso mo e!"

"S'yempre! Mana sa ina!"

Muling nagtawanan ang mga matatanda na nakatayo sa harapan niya kasama ang Mama niya bago niya pinanood ang isang lalaki na lumuhod sa harapan niya.

"Hija, gusto mo bang dito ka muna sa bahay namin habang hinihintay natin ang Mama mo na bumalik mula sa trabaho?"

"Magtatagal ka po ba ulit, Mama?" tanong at harap niya sa kanyang Mama.

"Gano'n pa rin ang balik ko, anak. Kapag Sailor Moon na, darating na si Mama."

"Sitti, gusto mo bang makilala ang mga anak ko?"

Muli siyang humarap sa matandang lalaki na kumakausap sa kanya kanina.

"May baby din po ba kayo?"

"Oo naman," nakangiting sagot sa kanya ng matanda bago nito marahang ginulo ang naka-pig tail na ipit niyang buhok. "Ang totoo nga n'yan, kanina ka pa nila hinihintay."

Napasunod siya ng tingin sa lugar na nilingunan ng lalaki saka niya nakita ang isang batang lalaki na may kulot na kulot na buhok na humihikab pa at papalapit na sa direksyon nila.

"O! Heto na pala siya! Ito ang bunso namin. Mag-hi ka sa bago mong kalaro, anak."

"Hello!" Siya na ang unang bumati sa bata. "Ako si Felicity. Ikaw?"


"NAKITA N'YO na ba sila?"

"Nilibot na namin ang buong subdivision pero wala kaming nakita."

"Tumawag na kaya tayo ng mga pulis, mahal?"

"Mabuti pa nga..."

"Kayo na muna bahala sa pagtawag sa mga pulis. Hahanapin ko ulit sila!"

"Sandali lang, Aimee!"

"Aimee! Sasama na ako sa'yo!"


"FELICITY!" malakas at mangiyak-ngiyak na sigaw ng batang lalaki habang tumatakbo ito papalayo sa bahay nila. "Felicity! Ayoko na makipaglaro sa'yo! Madilim na! Magagalit na sila Mama sa atin! Halika na! Uwi na tayo! Nandito na 'yong bike mo o! Ibabalik ko na! Labas ka na!"

Mabilis na umahon ang takot sa dibdib ng batang lalaki kaya bigla nitong binitawan ang hila-hilang bike saka nagtatakbo habang sinisigaw ang isang pangalan.

"Felicity!"


"HOY! GISING na!"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko saka hinanap sa inaantok ko pang estado ang boses na gumising sa akin.

"Bakit nandito ka na naman?"

"Malamang! New Year ngayon! Alangan namang iwan kita dito?"

"Inaantok pa ako. Mamaya mo na lang ako gisingin..." sabi ko saka muling pinagpatong ang mga braso ko sa ibabaw ng study table bago ko binagsak ang ulo ko sa ibabaw no'n. "Saka hindi pa New Year. Wala pang twelve."

"Gano'n na rin 'yon!" sagot pa nito saka ako malakas na tinapik sa likod. "Bumaba ka na. Kanina ka pa namin hinihintay sa baba."

"Hmm..."

"Wala ka na talagang pag-asa..."

Muli kong dinilat ang mga mata ko nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ko saka inabot ng isang kamay ko ang isang picture frame malapit sa akin saka tinitigan 'yon nang matagal.

"Mobi, ano ba? Hindi ka pa talaga bababa? Tinatawag ka na nila Mama't Papa!"

Mabilis kong naitago sa ilalim ng mga braso ko ang picture frame saka tumayo at napakamot na lang sa ulo.

"Susunod na."


A/N: Yey for update! O, huh?! Pasabog na comeback ng MTBS4! Matindi pa sa comeback ng BLACK PINK (My love is on fire~ Woooh~ Now, burn baby burn!) Lol! Kidding aside, again, pasensya na sa ka-abnormalan at pagiging bipolar ng author nito sa Season 4. Pero ano man ang magiging update sa susunod na chapter ay final na final na. Wala nang palit-palit! Kaya sa nainis sa ka-abnormalan ko last time, pasensya na. Gomenasai! Mianhe! (T A T ) Anyway, ano pong masasabi n'yo sa update na 'to? You know, it really motivates me na mag-proceed sa pag-post ng update kapag marami akong nakikita akong comments. So, huwag po tayong mahiya sa pagsi-share ng comments/opinions natin sa kwento. Libre lang po 'yan. Keep motivating the writers, dear readers! Mwuah!

Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta sa My Tag Boyfriend, kanila Kaizer at Sitti at sa rest ng cast. Huwag po sana kayong magsawa sa pagmamahal sa kanila. Maraming salamat and God Bless sa lahat! XOXO

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now