My Tag 2

61.9K 1.8K 515
                                    

A/N: As compensation sa matagal n'yong paghihintay sa update dito sa My Tag Boyfriend Season 4 at sa desisyon ko na baguhin bigla ang mga naunang chapters na nagawa ko na... for the better. As what I have already told do'n sa 'please read!' chapter, mas magugustuhan n'yo ang changes na ito kasi personally, this chapter is the most "nakakakilig" na chapter (for me) sa MTB series. So, I hope you enjoy this chapter, thank you sa lahat ng nakaintindi, happy reading and don't forget to leave your comments after okay? Love lots! 

My Tag 2

Sitti's POV

DECEMBER 29, Monday. eksaktong isang linggo na lang mula ngayon ay babalik na kami sa school. At isang linggo na lang ang natitira sa akin para isipin kung paano ko ba haharapin si Jonas at makakahingi ng sorry sa kanya.

Sa totoo lang, nakatulong ang pagiging abnormal ni Kaizer kagabi para sandaling mawala sa isip ko ang tungkol sa nagawa ko kay Jonas pero no'ng magising din naman ako kaninang umaga, bigla ko ulit siya naalala. Hindi rin nakatulong sa akin 'yong calendar at nakita kong last week na pala ng Christmas vacation namin ngayon.

Kanina, nakatanggap din ako ng text mula kanila Patty para yayain ako at si Margaret na mag-shopping dahil kabi-kabilaan daw ang sale ngayon sa mall saka para naman daw makapag-bonding kami bago man lang dumating ang bagong taon.

Masarap sana sumama dahil gaya ng pagkakalimot ko sa atraso ko kay Jonas, nakalimutan ko ring ibigay sa kanila 'yong mga home-made cookies na ireregalo ko sana sa kanila kapalit no'ng mga binigay rin nila sa akin no'ng araw ng cultural festival.

Kaya lang, gaya nang nasabi ko kay Kaizer sa chat namin kagabi, naipangako ko na kay Mama na tutulungan ko siya ngayon sa shop. Kulang sila sa tao saka punong-puno talaga ang tindahan kapag ganitong holidays.

"Hoy, anak ng nanay mong dyosa sa lupa! Bawal humikab sa salamin ng shop!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pagsita sa akin ni Mama saka ko nakita ang fog na ginawa ng paghikab ko do'n sa salamin na pinupunasan ko. Mabilis ko rin namang in-spray-an ng tubig ang nagawa kong kalat saka nagpatuloy sa pagpupunas.

Sobrang metikuluso si Mama pagdating sa negosyo namin at dahil na rin nasa linya kami ng pagkain.

Mula pa pagkabata, na-kwento na ni Mama sa akin na pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang bake shop. Isang patisserie ang Mama ko at ayon sa diploma niya na nasa bahay, nakapagtapos siya sa isang magandang culinary school. Kaya para kay Mama, parang anak na rin niya ang cake and coffee shop na 'to.

Isa pa, 'di rin kami kumukuha ng pera para bayaran ang mga gastusin namin sa bahay.

Dalawa na lang kami ni Mama sa buhay. Kaya minsan, kapag may bakante akong oras, madalas akong tumutulong sa kanya—kahit pa ayaw ni Mama dahil ang gusto niya ay magpokus lang daw ako sa pag-aaral ko.

"Nako, ikaw Sitti, huh? Hindi ba sinabihan na kita noon pa na bawal magpuyat kapag magtatao ka sa tindahan natin? Ayaw mo naman siguro humarap sa mga costumers natin na haggard, 'di ba? Saka nakakahiya sa mga makakita sa ating dalawa. Mamaya baka ikaw pa mapagkamalan na nanay sa ating dalawa!"

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong spray dahil sa pagbubuhat na naman ng double deck na kama ni Mama.

"Ma, magnu-New Year na po. Uso po magbago."

"Ano pa bang dapat baguhin sa akin? Maganda na kaya ako kaya no need na," sabi pa ni Mama sa akin sabay nag-approve sign.

May naalala tuloy ako sa hand signal na 'yon pero pinili ko na lang na huwag mag-flashback ngayon dahil baka masita na naman ako ni Mama nang wala sa oras dahil sa pagkakatulala ko sa kawalan.

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now