My Tag 32

24K 846 186
                                    


My Tag 32

Sitti's POV

"SIGURADO KA bang ayaw mong samahan kita sa loob?"

Hindi ko na matandaan kung ilang beses nang itanong ni Mama sa akin ang tungkol sa bagay na 'yon hanggang sa dumating na tuloy ako sa punto na bigla na akong napaisip kung kakayanin ko nga ba 'to nang mag-isa.

Hindi, Sitti! Hindi ka na p'wedeng maging duwag ngayon, okay? Hindi ba pinangako mo na sa sarili mo kagabi na gagawin mo 'to? Kaya bakit aatras ka pa kung kailan nandito ka na? sermon ko sa sarili ko.

Marahas akong napailing-iling sabay napatampal ng maraming beses sa pisngi ko bago ko hinarap si Mama.

"Okay lang po ako. Kaya ko na po ang sarili ko."

Dalawang araw na lang ang nakakalipas bago dumating ang ika-18th birthday ko. At gusto ko bago dumating ang araw na 'yon ay magiging malinaw na sa akin ang lahat. Ang tungkol kay Mama at Sir Souichiro at ilan pang mga tanong na hanggang ngayon ay medyo hindi pa malinaw sa akin.

Isa pa, gusto kong personal na ibigay ang imbitasyon sa birthday ko sa taong ngayon ko lang ulit nakita makalipas ang maraming taon.

Si Sir Souichiro. Si Papa.

Nandito kami ngayon ni Mama sa harapan ng bahay ni Papa. Medyo malayo 'to sa bahay namin pero malapit-lapit naman sa Eigaku. Kaya matapos ng huling klase ko ay agad na akong dumerecho dito at nagpasama kay Mama.

Alam ko na mas magiging madali sa akin na makausap si Papa sa school dahil lagi naman 'tong nasa opisina niya lang. Kaya lang ayoko namang gawing dahilan ang pagiging 'anak' ko ni Papa para lang puntahan siya nang walang pasabi o walang appointment.

Ayoko ring makadagdag sa alalahanin ni Papa at Mama kapag nalaman ng mga taga-Eigaku na anak ako ng may-ari ng buong school. Na baka isipin pa nila na kaya ako natanggap sa eskwelahan na 'to dahil lang sa anak ako at dahil sa nagsikap talaga akong mag-aral para makapasa sa entrance exam nila dito.

Isa pa, hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako na tawagin si Sir Souichiro ng Papa. Pakiramdam ko ang dami pa naming kailangang pagdaanan para matawag na magulang at anak ang isa't-isa. Bata pa ako no'ng huli kong nakita si Papa at wala pa akong natatandaan na siya na nga ang Papa ko noon o naalala na nakakasama ko na siya dati pa.

"May nadaanan tayong café kanina. Doon na lang siguro ako maghihintay. Tawagan o kaya i-text mo na lang ako kung tapos na kayong mag-usap o kung gusto mo nang umuwi."

"Sige po."

"Okay. Aalis na ako."

Pero bago pa tuluyang makaalis si Mama ay mabilis kong kinuha ang isang kamay niya at mahigpit na hinawakan 'yon.

"Ma, sorry po ulit sa ginawa ko. Promise po hindi ko na uulitin 'yon!"

Matagal napatingin si Mama sa mukha ko. Akala ko pa nga ay papagalitan niya ako pero maya-maya lang ay ngumiti na rin siya sa akin.

"Alam kong mabuti kang bata, Sitti. Saka hindi ba sinabi ko nang kalimutan na natin na nangyari 'yon?" sabi ni Mama. "Basta ang importante, nandito ka na ngayon. Iyon lang ang mahalaga. Kung may dapat mang magpa-ulit-ulit na mag-sorry rito, ako 'yon. Kami ng Papa mo. Kaya kung may gusto ka pang malaman sa nakaraan o tungkol sa aming dalawa o iba pang sagot d'yan sa mga tanong na nasa isip mo, alam kong hindi magdadalawang-isip ang Papa mo na sagutin ang lahat ng 'yon."

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now