My Tag 14

30.4K 992 218
                                    

A/N: Kindly play the video on this chapter para marinig n'yo 'yong piano piece na mami-mentioned dito. It's a piece from my idol, Brian Crain. If you're into classical music, go check his official YouTube channel na rin (https://www.youtube.com/channel/UCBLCAG6Q4x0AOQKuJ9Y0l5A) to listen to his more amazing music. Thank you and sorry for the typos! Happy reading!


My Tag 14

Sitti's POV

LAHAT NG mga malalalim na bagay na iniisip ko habang papunta ako dito ay biglang nawala at napalitan ng kaba nang nakatayo na ako sa harapan ng isang restaurant na malapit sa isang malaking mall dito sa Pasay kung saan ako sinabihan ng author ng kwentong pina-o-operate-an ko na lugar daw ng pagkikitaan namin,

Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses akong tinanong ni Manong Guard kung papasok ba ako sa loob o hindi dahil pakiramdam ko biglang nasemento ang paa ko sa kinatatayuan ko.

May pakiramdam na nga rin ako na baka magtawag na si Manong Guard ng mga pulis o 'di kaya 'yong manager ng restaurant dahil pakiramdam ko nagmumukha na akong stalker o kidnapper o masamang tao sa paningin ni Manong Guard.

Pero sino ba naman kasing makakasisi sa akin, hindi ba? Kitang-kita ko na dito sa labas 'yong idol ko. 'Yong taong sobrang hinahangaan ko at 'yong gumawa ng kwentong ilang gabi ko ring pinagpuyatan at naging dahilan ng kilo-kilo kong eye bags dahil sa sobrang nakakaadik ang gawa niya sa ganda!

The struggles of being a fan girl is real! tili ko sa isip ko.

Kung hindi lang talaga ako sobrang magmumukhang baliw sa nagiging itsura ko ngayon, gusto ko pa sanang magsisigaw ng malakas, maglupasay, mag-planking o 'di kaya mahimatay tapos babangon ulit tapos mamahimatay ulit dahil sa sobrang saya na finally, nakikita ko na sa personal ang idol ko!

"Ikaw ba si Sitti? Sitti Sandoval?"

Sa sobrang pagmo-monologue ko, hindi ko na napansin na nakalabas na pala sa loob ng restaurant si Ate Maevel at ngayon nga ay nakatayo na siya sa harapan ko at nginingitian ko!

Nginingitian ako!

"Tama ba? Ikaw si Sitti, 'di ba?"

"Ah... e... a-ako nga po, Ate Maevel..." hiyang-hiya at halos hindi na marinig na sagot ko.

Alam n'yo n'yo sa totoo lang, hindi ko talaga malaman kung paano ko nagawang makapagsalita nang mga oras na 'yon.

As in, sobrang nanginginig ang buong sistema ko mula ulo ko hanggang sa pinakadulo ng kuko ko paa! Pakiramdam ko pa nga sobrang nagpapawis na ako ngayon dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa harapan ng idol ko.

Ano ka ba naman, Sitti! Hanggang ngayon ba naman ay hobby mo pa ring ipahiya ang sarili mo? Hello! Alam mo ba 'yong new year, new life? pag-e-eksena na naman ng laking kontrabida sa buhay ko na boses ng konsensya ko. Umayos ka nga, p'wede?

Pero kahit anong pilit ko pang ayusin ang sarili ko, kahit anong pagpapakalma pa ang isipin at gawin ko, parang wala pa rin yatang epekto kasi hindi ko talaga kayang kumalma!

"Mabuti kung gano'n! Kanina ka pa namin hinihintay sa loob. So, halik na? May naka-reserved ng upuan para sa'yo. Mag-lunch muna tayo bago tayo pumunta do'n sa meet up place natin. Isa pa, maaga pa naman."

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now