My Tag 19.5 (Special Chapter)

23.5K 772 223
                                    

A/N: Surprise! Surprise! O! Nagulat ko kayo na may update ulit ano? Of course! Gusto kong makabawi sa ilang linggo kong hindi pagbibigay ng update sa inyo. And I do hope that you will like this chapter na related pa rin sa chapter 19 pero in Kris' POV na.

NOTE: Kapag ang text or paragraph po ay naka-ITALIZED, it's either it's a flashback o iniisip ng character sa isip nila. Baka kasi may hindi pa nakakaalam ng ganitong sistema so...

HAPPY READING! Leave comments din po pagkatapos n'yong magbasa ^^


My Tag 19.5 (Special Chapter)

Kris' POV

"PAANO KA magiging prinsesa e tomboy ka?"

"Ikaw lang ang nagsasabi n'yan! Kasi sabi ng Mommy ko, I'm a princess! At sa princess, walang tomboy. Mas maganda pa nga raw ako kay Cinderella e!"

"Mas mukha ka kayang evil witch."

"Ang yabang mo! Kakainin mo rin 'yang sinasabi mo! Kasi sabi ng Mommy ko, kapag dalaga na ako, mas gaganda pa ako! Tapos marami nang prince ang mag-aalok sa akin ng kasal."

"Ang bata-bata mo pa, kasal na agad iniisip mo? Hindi ka pa nga yata marunong magbanyo ng ikaw lang mag-isa e!"

"Marunong na kaya ako! Mga baby lang kaya ang hindi marunong sa gano'n! Stupid ka ba?"

"Paano ako naging stupid e accelerated nga ako? Do'n ka nga! Ayokong nakikipaglaro sa tomboy!"


"Si Patty ba 'yon?" tanong ko sa sarili ko nang may makita akong pamilyar na mukha sa loob ng arcade.

Napilitan akong bumaba sa bus ng university nang wala sa oras nang sabihin ng isa sa mga professor namin na wala pa nga si Patty sa sasakyan.

Lalapitan ko na sana siya para tanungin kung anong ginagawa niya dito sa mall at paano siya napunta dito nang mahinto ako sa kinatatayuan ko nang mapaharap sa direksyon ko 'yong kasalukuyan niyang kausap.

"Bakit sila magkasama?"

Bakit niya kasama si Jonas?

Nagdadalawang-isip ako na lapitan silang dalawa at magtanong ng mga bagay na kasalukyang gumugulo sa isip ko.

Isa pa, hindi ko rin alam kung paano ko magagawang makipag-usap kay Patty nang hindi na naman kami magbabangayan.

Ang totoo n'yan, ilang araw ko nang pinag-iisipan na kausapin siya at ayusin kung ano pa ba ang p'wede naming maayos sa aming dalawa. Isa pa, nakakapagod na rin kasi na umarte na parang mga bata sa tuwing magkukrus ang landas naming dalawa.

Pero hanggang sa huli, pinili ko na lang na magtago sa labas ng arcade at tahimik na panoorin silang dalawa ni Jonas sa loob.


"Kris! Kris! Kris! Look! May nagbigay sa'kin ng love letter!"

"Talaga lang, huh? Patingin nga! Baka ikaw lang din ang gumawa nito."

"Ang kapal ng mukha mo! Ang tingin mo sa akin? Hindi maganda? Na walang nagkakagusto sa akin at nagbabalak manligaw?"

"Kaya nga patingin ako para makasiguro ako, 'di ba? Mamaya niyang masobrahan ka sa kaka-ilusyon mo. Baka bigla ka pa naming mapadala sa mental."

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now