My Tag 33

23.3K 814 217
                                    

My Tag 33

Sitti's POV

MATAPOS NG naging pag-uusap namin ni Papa, nangako ako sa kanya na kahit anong mangyari, hindi ako magkukwento ng tungkol sa nalaman ko mula sa kany at sa relasyon na mayroon kami ni MM noong mga bata pa kami.

Sa loob ng ilang minutong pag-uusap namin ni Papa, pakiramdam ko nakita ko na 'yong ilang piraso ng mga nangyari sa akin sa nakaraan na hindi ko maaalala.

Tinanong ko na rin kay Papa kung may nangyari bang masama sa akin, kung nabagok ba ang ulo ko o nagkaroon ako ng temporary amnesia o kahit anong pangyayari na p'wedeng magtulak sa akin para makalimutan 'yong parte na 'yon ng pagkabata ko.

Pero maliban sa pagkakawala ko noon, wala nang natatandaan si Papa na nangyari sa aking masama. Maging si Papa naitanong kay Mama ang posibleng dahilan kung bakit wala akong maalala sa mga nangyari dati. Ang naging sagot na lang ni Mama ay posibleng dahil napakabata pa ako noon kaya hindi na rin gano'n ka-imposible na may hindi ako maalala sa nangyari noon.

Pero sa lahat ng nalaman ko, may ilang mga tanong pa rin ang hindi nasasagot. Gaya na lang ng kung ano ba ang posibleng dahilan ni MM para itago sa akin ang tungkol sa mga bagay na 'to.

Kasi kung matagal na niya akong kilala at kung natatandaan niya kung ano ang pinagsamahan namin noong mga bata pa kami, bakit wala siyang sinasabi sa akin?

At bakit pilit nilang tinatago ni Mama ang tungkol sa bagay na 'to?

Isa pang nagpapalito sa akin si Kuya Tobi. Kung naaalala pa ako ni Mobi, malamang nakilala rin ako noon ng kuya nito. Pati rin ba si Kuya nagtatago sa akin?

Ano bang mayroon sa nangyari sa amin ni MM na kailangan nilang itago sa akin? May mga importante pa bang nangyari sa nakaraan na hindi ko maalala na hindi ko pa dapat malaman?

Dumating ako sa punto na nasaktan ako sa nalaman ko at nagkaroon ng konting tampo kay MM.

Pero mas nagagalit ako sa sarili ko.

Sa hinaba-haba ng panahon na nakasama ko ang matalik kong kaibigan mula pagkabata, bakit ngayon ko lang siya naalala?

Kung ako ay nasasaktan sa katotohanan na 'to, posible kayang mas nasasaktan ko si MM dahil sa hindi ko pagkakaalala sa kanya?

"Ang lalim yata ng iniisip mo, Sitti?"

Napalingon ako sa katabi ko nang marinig ko ang boses ni Patty.

"H-huh?"

"Ang sabi ko, ang tahimik mo. Kanina ka pa walang kibo d'yan. Ayos ka lang ba?"

"Huwag mong sabihing may kadramahan na namang nangyayari d'yan sa buhay mo," taas-kilay namang singit ni Margaret sa usapan namin saka nito binaba 'yong magazine na binabasa nito. "P'wede ba, loser? Kung magbabalak ka na namang mag-inarte, huwag mo na akong idamay? Alam mo bang nakasama sa balat ko 'yong pang-iistorbo sa akin ng loser mong kaibigan at loser mong boyfriend para lang hanapin ka d'yan sa paglalayas drama mo?"

Narinig ko muna ang pagsinghap ni Patty saka siya muling nagsalita.

"May problema na naman ba sa inyo? May hindi na naman ba kayo pagkakaunawaan ni Tita Aimee?"

Marahan akong ngumiti saka ngumiti sa kanila para alihin ang pag-aalala nila.

Siya nga pala, nandito kami ngayon sa isang sikat at kilalang salon malapit sa mall sa amin para magpa-ayos ng buhok, kuko at iba pang pambabae na bagay.

My Tag Boyfriend (Season 4)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora