My Tag 19 (Special Chapter)

29.7K 860 419
                                    



A/N1: Since this is a special chapter, gaya ng ibang special chapter na nasa ibang season, this chapter will only focus sa ibang characters sa MTB aside kanila Kaizer at Sitti. Of course the MTB itself doesn't revolve around the main characters alone. So, I still hope that you will also like this chapter. Ang dami ring pinagdaanan ng chapter na 'to ah? Nasira pa ang laptop ko ngayong araw so I need to re-type the whole thing. Huhuhu! Pa-excuse na lang din po sa typos, spelling and other errors. Curse you auto-correct! Happy reading!

My Tag 19 (Special Chapter)

Jonas' POV

WALA SA ugali ko ang mainis sa babae o basta na lang magalit sa isang babae. Kahit pa sa mga kagaya ng ugali ng ex kong si Mia o sa mas malala pa.

Pero ito lang yata 'yong kauna-unahang pagkakataon na naubos ang pasensya ko sa isang babae.

Ang tagal ko nang nakatingin sa mukha niya, nagtataka at pilit hinuhulaan kung ano bang mga bagay ang naglalaro sa utak niya ngayon at kung bakit bigla na lang niya ako nilapitan, kinausap na para bang ang tagal na naming magkaibigan, nagsimulang manghimasok at mangealam sa mga bagay na wala namang kinalaman sa kanya pati na rin kung paano niya ako napapilit na sumama sa kanya dito sa "step two" ng moving on process niya.

"Arcade ang step 'to ng pag-move on mo?" kulang na lang ay magtaas ako ng kilay nang sabihin ko ang mga 'to sa kanya.

"Oo naman! Obvious ba?" inikot niya pa ang mga mata niya sa akin na para bang iyon na ang pinaka-obvious na sagot sa buong mundo.

"Hinila mo akong mag-cutting para lang samahan kang maglaro?" Hindi pa rin naalis ang pagdududa at inis sa boses ko.

"Uulitin ko, huwag kang magmalinis sa akin. Kilala ko ang mga gaya mo. Kapag may ginusto, kahit bawal, sige pa rin nang sige," sagot niya. "Isa pa, nagpunta tayo dito para mag-enjoy, mag-celebrate at makalimot. Kaya anong masama?"

Ilang segundo pa akong napatitig sa mukha niya bago ako napabuntong-hininga saka pinilit kalmahin ang sarili ko.

Huwag mong papatulan, Jonas. Babae 'yan, pilit kong inulit-ulit sa isip ko na parang isang mantra.

"Ano? Alin ang gusto mong subukan?"

"Bakit hindi natin subukang umuwi at kalimutan na nagkausap tayong dalawa?"

"Ngayon ka pa ba uuwi e nandito na tayo?" pagbabale-wala niya sa suhestyon ko bago niya hinila ang isang kamay ko para kaladkarin ako sa harapan ng isang shooter game. "Gusto mong pumatay ng zombies? Vampire? Aswang? Tiktik? Tikbalang? Engkanto? Ano? Sabihin mo lang! Ako na pipindot para sa'yo."

"Kailan pa nagkaroon ng tikbalang sa Left 4 dead? Saka anong tiktik? Saan mo napulot 'yon?"

"Parang aswang din 'yon pero nasa form lang ng ibon. Ano ka ba! Taga-Pilipinas ka pero hindi mo alam ang mga engkanto sa bansa natin? Nasaan ang pagiging makabayan mo?" umarte pa siya na gulat na gulat sa mga sinabi niya at inilagay pa niya ang isang kamay niya sa tapat ng bibig niya.

"Sa pagkakatanda ko, walang kinalaman sa pagiging makabayan ang pangengealam sa mga bagay na wala namang katotohanan at purong kwentong-bayan lang. Akala ko ba matalino ka? Simpleng common sense hindi mo alam?"

"Ay! Bongga 'yan! Para ka ng si Kaizer magsalita!" insulto pa niya na may kasamang palakpak. "Kaya pala hindi kayo magkasunod. Parehas na parehas pala kayo ng ugali."

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now