My Tag 12

29.9K 978 143
                                    


My Tag 12

Sitti's POV

MATAPOS AKONG maihatid ni Kaizer sa bahay namin kagabi at matapos din ang gulo at riot na nangyari sa announcement ng sports festival kahapon sa school, halos buong magdamag akong nag-isip kung paano ko ba aayusin 'yong set up ng mga ka-grupo ko sa laro at kung paano ko ba sila makukumbinsi na mag-participate—kahit na alam ko na mas posible pa na umulan ng pera kaysa sa mangyari 'yon.

Pero sa tuwing pakiramdam ko ay napapasuko na naman ako ng panibagong problema na 'to, sa hindi ko malamamang dahilan, bigla na lang pumapasok sa utak ko 'yong mga sinabi ni Sir Souichiro sa akin kahapon tungkol sa pagiging lider at sa buhay na rin...

"Life has an endless ups and downs. Lahat nagkakaroon ng problema at sumusuko. Pero kung hihinto ka sa mga bagay na ginagawa mo dahil lang sa nahihirapan ka na, para mo na ring pinapatunayan sa mundo na kayang-kaya ka niyang patumbahin. Na sa simple at maliit na problema lang, kayang-kaya ka nilang pabagsakin. Leaders are not like that. Being a leader is a matter of choice. Hindi ibibigay sa'yo ang isang bagay na hindi mo kaya. You stand here to live and lead your own life. Ngayon, kung susuko ka dahil iniisip mo na hindi mo na kaya at dahil sa mahirap, sa bandang huli, ikaw lang din ang magiging talunan."

Alam ko na kahapon lang 'yong unang pagkakataon na nakita ko ang may-ari ng Eigaku sa personal at hindi rin ang naging unang impression ko sa harapan niya, pero ewan ko ba! Kapag naiisip ko 'yong mga sinabi ni Sir, pakiramdam ko bigla na lang talagang gumagaan ang loob ko. Na para bang may bigla na lang tumatapik sa balikat ko at sinasabihan ako ng: "Kaya mo 'yan, Sitti! Aja! Aja lang!"

Talagang nakaka-motivate ang mga sinabi sa akin ni Sir pero hindi naging sapat 'yon para makaisip ako ng paraan o solusyon sa problema ko.

Nag-Google na ako, nagtanong sa mga kaibigan ko sa Facebook at pumunta sa kung ano-anong self help website pero ni isa sa kanila ay wala ring nakapagbigay ng sagot sa problema ko.

At kahit na wala pa akong tulog at hindi pa nakakabawi ang katawan ko sa pagod sa mga nangyari kahapon, nandito pa rin ako sa harapan ng computer ko, nakatunganga at ilang oras nang nag-i-scroll at nagla-like ng kahit anong status ang Facebook page na nakikita ko sa newsfeed ko.

"Ano bang gagawin ko sa kanila?" Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses ko na 'tong natanong sa sarili ko. "Paano ko ba mapag-aayos sila Kaizer at Jonas? Pati si Silver Sungit at si Margaret?"

Nasa gano'n pa rin akong dilemma nang bigla akong mapahinto sa pag-scroll ko sa newsfeed ko nang may makita akong isang picture na kung saan may naka-post na announcement mula sa favorite author ko sa Wattpad.

"May meet up ulit si Ate Maevel Anne?!"

Halos lumuwa ang mata ko sa sobrang gulat sa nakita ko at hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapasigaw sa sobrang tuwa sa nakita kong announcement.

"January 10. 1 PM onwards Seaside Boulevard, Pasay City," basa ko do'n sa unang line ng announcement ng author ng binabasa at hanggang ngayon ay sinusubaybayan kong story na Dating the Superstar kung saan ako ang gumaganap na OP o operator ng bidang babae na si Lyka. "Ngayong araw na 'to a!" hindi makapaniwang sabi ko.

Bigla akong nakaramdam ng excitement sa nabasa kong announcement.

Bago ko pa nakilala si Kaizer at iba ko pang mga kaibigan sa Eastton at Eigaku, ilang taon kong binuhos ang buhay ko sa pagpi-Facebook at pagwa-Wattpad.

My Tag Boyfriend (Season 4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora