My Tag 11

50.8K 1.5K 329
                                    


A/N: Ang dami kong tinawa sa chapter na 'to lalo na do'n sa away-away part. Anyway, I hope you enjoy this update and don't forget to share your thoughts about this update. Thank you and happy reading!

My Tag 11

Sitti's POV

SABI SA Science, "Lightning can only strike once."

Pero sabi naman ni Zync The Great, "Sinong bobo ang nagturo sa'yo n'yan? P'wedeng tumama nang maraming beses ang kidlat sa iisang lugar lalo na kung may malakas na conductor sa lugar na 'yon. Gusto mo ba talagang ibalik kita sa elementary, huh? Saka pakisabi nga rin sa akin kung paano ka natanggap sa eskwelahan na 'to? Nandaya ka ba o may binayaran ka sa faculty? May nakuha kang linkage sa entrance exam? Sabihin mo na nang mapatalsik na ang kinulang sa utak na gaya mo dito. Nakakasira ka ng reputasyon ng eskwelahan alam mo ba 'yon?"

O, 'di ba? Isang sentence lang ang sinabi ko pero sandamakmak na pang-aalisputa na ang sinabi niya sa akin. Na para bang pinapalabas niya na mortal na kasalanan kay Papa God ang maging bobo sa Science.

Pero hindi naman talaga 'yan ang problema ko sa ngayon...

"Bakit ako nasa relay?" gulat na gulat na sabi ko habang nakatingala at nakaturo ako do'n sa projector na nasa may stage kung saan nakalista ang lahat ng mga team, ang mga leader ang mga group at individual play na pagsasalihan ng mga estudyante na kasali sa sports festival. "Ang bagal ko kaya tumakbo! Saka ayoko ng PE!"

"Parang lahat naman yata ayaw mo," taas-kilay na sabi ni Margaret na nasa tabi ko, nakahalukipkip ang mga braso at kasama kong nagbabasa ng mga nakapaskil na activity na sasalihan ng team namin.

Kung may nakakatuwa man sa set up ng sport festival na 'to iyon ay ang pagkakapares ko sa mga kaibigan ko mula sa Eastton at ang pagkakasali ni MM sa marshmallow eating contest.

Kung makikita n'yo nga lang si MM ngayon, kulang na lang maghugis puso ang mga mata niya sa sobrang saya. 'Yong parang nasa mga anime?

Pero s'yempre, kung may nakakatuwa, mayro'n ding sobrang hindi nakakatuwa.

At sa kasalukuyan, nasa likuran ko lang 'yong mga tao na mas hindi pa natutuwa sa akin sa naging resulta ng pagti-team up sa mga estudyante.

"Ah! Kapag minamalas ka nga naman," kahit hindi ko na sila lingunin, alam na alam ko na kay Jonas ang boses na 'yon.

"Kung may dapat mang magreklamo dito, ako na dapat 'yon," dinig ko naman ngayon ang boses ni yabang—este ni Kaizer pala.

"Uy! Nakabukas na yata ang third eye ko! Nakakarinig na ako ng mga boses ng maligno dito si Eigaku. Grabe! Nakakatakot!"

"Mas mukha ka pa ngang maligno sa maligno kung ako ang tatanungin."

Napatampal na lang ako sa noo ko sa pagpaparinigan at pag-aasaran ng dalawa sa likod ko.

Papa God, naging mabait naman ako no'ng pasko at bagong taon. Naging mabait naman po ako no'ng nakaraang taon. Kaya bakit? Bakit po pinagsama n'yo ang dalawang 'to sa team ko? Bakit po ako, Papa God? Bakit? piping dasal ko sa nasa taas.

"Ang hilig talaga manghimasok ng ibang tao sa buhay ng iba. Ang hilig makisiksik! Iniwan na nga, habol pa rin nang habol! May balak yata sumali ng Guinness ang mga gano'ng nilalang bilang pinakamasunuring alagang hayop sa mundo," hirit na naman ni Jonas.

"Mas mabuti nang maging hayop na may breeding kaysa naman sa mga hayop na puro pang-aagaw na lang buto ang ginagawa. Mas mabuti nang makipagsiksikan kaysa sa manglimos at magnakaw," sagot naman ni Kaizer.

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now