My Tag 16

25.2K 934 244
                                    


Excuse for the typos and misspelled words. Thank you and happy reading! ^^

My Tag 16

Sitti's POV

"ANG GALING mo naman!"

Ibubulong ko lang sana 'yong comment ko na 'yon. Bulong lang!

Kaya lang 'tong magaling kong bibig, ang galing manira ng reputasyon, magdala ng kahihiyan at magdagdag ng panibagong dahilan para mainis sa akin si Silver Sungit.

Parang 'yong inis lang na nakikita ko sa mukha niya ngayon.

"Naturuan ka ba ng good manners at right conduct sa inyo? Ganyan ka na ba kabastos para hindi man lang kumatok?"

Kita n'yo na? Isang sentence lang 'yong sinabi ko sa kanya.

But wait! There's more!

"At hindi porke't hindi naka-lock ang pinto ay may karapatan ka ng pumasok. Nag-iisip ka ba talaga? Simpleng courtesy hindi mo alam? Ano bang IQ level mo? Below stupid?"

"Grabe ka naman makapagsalita!" Hindi ko na napilitan sumagot do'n sa mga pinagsasabi niya. "Pinuri na nga kita tapos ikaw pa galit?"

"Teka lang sandali..." sabi niya saka umarte na parang may hinahanap sa paligid, sa ibabaw, gilid at ilalim ng grand piano bago niya binalik sa direksyon ko ang tingin niya. "Hindi ko nakita 'yong pake ko sa opinyon mo. Saan mo ba nilagay 'yong pakialam ko sa mga papuri mo?"

Kung si Kaizer kayang papulahin 'yong mukha ko sa kahihiyan at kilig, itong pinsan niya, itong sobrang galing na galing sa sarili niya na pinsan niya, pinapapula ang mukha ko sa sobrang galit!

"Siguro nga matalino ka, na genius ka, na alam mo na ang lahat ng bagay, pero alam mo? Sobrang sama pa rin ng ugali mo!" bulyaw ko sa kanya.

"At anong tingin mo sa sarili mo? Mabait? Ni hindi ka nga marunong kumatok o mag-excuse man lang sa tao na nasa loob ng kwarto na 'to tapos sasabihin mo na masama ang ugali ko? Kung masama na ako, ano ka? Bastos at walang modo?"

Okay, sige! May punto nga siya do'n sa sinabi niya. Na kahit saang anggulo mo nga naman tingnan, may mali din naman ako dahil basta-basta na lang ako pumapasok sa kwarto nang may kwarto at nakikinig nang walang paalam.

Pero kasalanan kasi talaga 'to ng mga paa at kamay ko! paninisi ko pa sa body parts ko.

Pero alam ko naman na excuse ko lang 'yon para hindi talaga maamin ng "pride" ko na si Silver Sungit naman talaga ang tama at ako ang mali.

Pero hindi rin naman siya tama do'n sa pagsasabi ng kung ano-anong masasakit na salita sa akin, hindi ba?!

"Bakit ba ginagawa mong big deal ang lahat ng bagay?" nasabi ko na lang at lihim na humihiling na sana kahit ngayong araw lang, maka-score naman ako ng points sa lahat ng pang-aaway at pagsusungit na ginagawa sa akin ng tao na 'to.

"The absence of respect from someone is a big deal," pang-i-English pa niya sa akin. "Kung hindi ka marunong rumespeto sa ibang tao, sa tingin mo ba karapat-dapat kang irespeto?"

"Parang hindi lang ako kumatok ah!"

"'Yon na nga, 'di ba? Paano pala kung nakikipag-sex ako sa girlfriend ko dito sa loob? Sa tingin mo ba mababawi ng sorry mo ang mga nakita mo at pang-iistorbo mo? Hindi naman, 'di ba?"

Muli akong pinamulahan do'n sa walang pangundangang salita na binanggit ni Zync.

"H-hindi p'wede sa school 'yan!" nagkanda-utal-utal na sagot ko. "B-bawal 'yon!"

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now