My Tag 26

20.7K 852 212
                                    


My Tag 26

Sitti's POV

ANG TAGAL kong nakatingin sa family photo na 'yon, iniisip kung family photo nga ba talaga 'yon o sadyang magkakilala lang si mama at si Sir Souichiro. O, 'di kaya baka kamukha lang ni Sir Souchiro 'yong nasa picture at baka guni-guni ko lang ang lahat ng mga tumakbo sa isip ko ngayon.

Pero dahil din sa litrato na 'to, hindi ko nagawang matulog kagabi. Buong magdamag lang ako nakatingin do'n, nag-iisip at kung paanong nagkaroon ng ganitong picture sa may sala namin nang hindi ko namamalayan. Dahil base na rin sa edad ko sa litrato, parang ang tagal-tagal na no'ng unang kinuha 'to.

Gusto kong magtanong kay mama. Gusto kong marinig mula sa kanya ang mga bakit, paano, kailan at saan.

Pero may isang parte ng puso ko ang natatakot ding magtanong. Na parang sa likod ng utak ko, may isang boses do'n na nagsasabing mas mabuti pang wala akong malaman kaysa naman sa may malaman nga ako tapos hindi ko naman magugustuhan ang maririnig ko.

"Anak ng nanay mong pang-Miss Universe ang ganda, ayos ka lang ba?"

Para akong nabuhusan nang malamig na tubig nang marinig ko ang boses ni mama saka 'yong marahan niyang pagtapik sa balikat ko. At saka ko lang napansin na nasa may sala na pala kami pareho at sabay na nag-aagahan.

"Kanina ka pa tualala ah? May problema na naman ba kayo ni Kaizer?"

Hindi ko magawang makahanap agad ng sagot sa tinatanong ni mama dahil nakatulala lang ako sa mukha niya.

Bakit may picture si mama at si Sir Souichiro nang magkasama? Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito? May tinatago ba sa akin si mama? May mga hindi ba ako nalalaman? O, mas magandang sabihin, may dapat ba akong malaman?

Ilan lang 'yan sa mga daan-daang tanong na gumugulo sa isip ko ngayon habang nakatingin ako sa mukha ni mama.

"Sitti?"

Pero sa halip na ilabas ko ang mga tanong na 'yon sa sarili ko ay pinilit ko na lang ngumiti sa kanya, umiling at magsabi na walang problema.

Alam kong lagging sinasabi ni mama na masama ang magsinungaling. Na dapat, sa kahit anong sitwasyon ay hindi ako magsisinungaling at maglilihim sa kanya.

Pero hindi ko naman kasi nasisiguro kung tama ang mga iniisip ko. Paano kung mali pala ako? E, 'di malalagay ko pa si mama sa isang awkward na sitwasyon.

Isa pa, kahit na sabihing close kami ni mama at may pagka-isip bata siya minsan, hindi pa rin naman siguro tama na basta na lang ako manghimasok sa mga bagay na may kinalaman sa kanya nang hindi man lang nagpapaalam o nagbibigay ng abiso sa kanya bago ako magtanong.

Huwag kang masyadong nag-iisip, Sitti! Malay mo naman kamukha lang talaga ni Sir Souichiro 'yong kasama n'yo do'n sa picture? sabi no'ng isang boses sa utak ko. Saka hindi naman magkasama sila do'n e may iba nang ibig sabihin 'yon.

Pinilit kong paniwalain ang sarili na gano'n nga. Na sana ay gano'n na lang. Na wala lang 'to. Na walang tinatago si mama sa akin at talagang napa-paranoid lang ako.

Pero iba 'yong sinisigaw ng puso ko. Iba ang pakiramdam ko. Iba ang nararamdaman ko.

Paano nga kaya kung...

Paano nga kaya kung magkakilala si mama at si Sir Souichiro?

At kung tama nga 'yon...

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now