My Tag 22

24.3K 846 232
                                    


My Tag 22

Sitti's POV

"NAGBIBIRO KA lang naman siguro do'n sa pinagsasabi mo kanina kay Mia, 'di ba, Margaret?" alanganing tanong ko sa kanya.

Hindi ko na nga maalala kung ilang beses ko nang inulit-ulit sa kanya ang tanong na 'to kasi kitang-kita naman sa reaksyon sa mukha ni Margaret na malapit na siya mapundi sa paulit-ulit na pinagsasabi ko.

Pero mas mabuti nang sa akin na lang siya mainis kaysa naman sabayan pa niya 'yong inis ni Mia sa kanya, sa akin o baka sa aming lahat pa.

"Mukha ba akong nagbibiro sa'yo, Loser Number One?" nakataas na naman 'yong kilay niya nang sabihin niya sa akin 'to. "Sa tingin mo ba nasa personality ko ang magbiro? Mukha ba akong comedian sa'yo, huh, Sitti?"

"E, nagtatanong lang naman ako. Saka ano bang malay mo... 'di ba?"

"P'wede bang mag-chill muna tayo sandali?" pagitna sa amin ni Patty. "Alam kong nakaka-tense talaga 'yong paghaharap n'yo ni Mia kanina Margaret. Pero wala namang madudulot na maganda sa pagkapanalo natin ang init ng ulo. Remember? Sportsmanship?"

"Nasa mukha ba ng impaktang 'yon ang sportsmanship?" pagtataray niya rin kay Patty. "Isa pa, hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng atrasyo niya sa akin noon, ano! Kaya kung ano man ang mangyayari sa game mamaya, wala na kayong pakialam do'n."

"Pati yata utak mo naka-make up kaya pati pagiging rational, hindi mo na magawa," singit naman ni Silver—este ni Zync pala na bigla na lang nahila ng girlfriend niyang si Kelly pabalik sa team namin.

"Hoy, gurang! Walang humihingi ng opinyon mo dito! Bakit hindi ka na lang manahimik at huwag makialam sa usapan nang may usapan? Bakit hindi mo na lang career-in 'yang pagiging walang pakialam mo tutal naman, no'ng una pa lang e wala ka nang na-contribute na kahit ano sa team na 'to!"

"Para namang may na-contribute ka? Maliban sa pagbubunganga mo, ano pa bang nagawa mo sa grupo na 'to?" balik na sabi ni Zync.

"P'wede bang unahin ko nang pabagsakin 'to nang mabawasan na ng isang problema ang buhay ko?"

"P'wede bang kumalma lang muna tayong lahat?" Ako na ang pumagitna sa kanilang dalawa at para hindi na rin matuloy si Margaret at Zync sa pag-aasaran nila.

Kung hindi lang talaga ako Team MM, isi-ship ko na talaga sila e!

O, tukso! Layuan mo ako! Solid dapat ako kay MM! Team MM at Margaret lang!

Pero kung magpapatuloy sila sa kakaganito na lang, baka matulak na nila ako sa ship na hindi naman talaga dapat isini-ship.

"Hindi ko lang maintindihan..."

Lahat kami ay biglang nanahimik at natigilan sa mga ginagawa namin nang bigla naming marinig ang boses ni MM sabay napaharap kami sa direksyon niya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin mawala-wala ang galit n'yo ni Mia sa isa't-isa. Kung talagang hindi mo siya gusto, bakit mo pa siya pag-aaksayahan ng panahon? Sa ginagawa n'yo, kaya lalo kayong naiinis sa isa't-isa kasi lagi n'yong pinapansin ang isa't-isa."

Lahat kami ay nakatingin lang sa mukha ni MM. At hanggang sa nagbukas na naman siya ng panibagong plastik niya ng marshmallow ay wala pa ring nakapagsalita sa amin ni isa.

"Hindi sa lahat ng oras ay magiging solusyon ang pagiging bayolente n'yo. Lalo n'yo lang sasaktan ang sarili n'yo at mas magiging masama lang ang tingin sa inyo ng ibang tao. Matatanda na kayo. Kung ano 'yong hindi n'yo napagkasunduan noon, dapat kalimutan n'yo na. Hindi 'yong paulit-ulit kayo sa problema na hindi n'yo na dapat pino-problema. Sa ginagawa n'yo ngayon, may nasosolusyunan ba kayo? Wala naman, 'di ba?"

My Tag Boyfriend (Season 4)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz