My Tag 29

20.1K 837 153
                                    


My Tag 29

Aimee's POV

"BAKIT KAYA hindi pa bumababa ang batang 'yon?" tanong ko sa sarili ko saka napatingin sa orasan. "Mali-late na siya sa klase niya ah!"

May isang parte sa loob ko na gusto na siyang akyatin sa kwarto para kumustahin o kung may balak ba siyang pumasok ngayong araw. Maiintindihan ko rin naman kasi kung hindi niya muna gustong pumasok dahil sa mga nalaman niya tungkol sa amin ng papa niya kagabi.

Kaya lang may isa ring parte rin sa loob ko na natatakot na kausapin muna siya.

Alam ko na bilang isang magulang, nagkulang ako sa anak ko. Na dapat ay habang maaga pa, nasabi ko na sa kanya ang lahat at hindi 'yong pinatagal ko pa nang ganito ang mga bagay-bagay bago ako nagsabi. Na hinintay ko pa ang pagkakataon na makauwi si Souichiro, maging permanente na ang pananatili sa Pilipinas at magkita silang mag-ama bago ako nagkwento.

Isa pa, alam ko na kahit hindi pa sabihin ni Sitti, alam kong nasira ko 'yong pangako namin sa isa't-isa na walang ililihim na sikreto sa bawat isa. Na kapag may problema, kami lagi dapat ang natutulungan at nagsasandalan.

Pero bilang isa ring magulang, wala akong ibang ginusto kundi makitang masaya ang anak ko. Lumaki siyang maayos, malakas at independent. Ayokong palakihin siya na depress kakaisip kung sino ba ang tatay niya, kung bakit hindi namin siya nakakasama at kung mahal ba siya ng tatay niya para iwan na lang siya nang ganito at mag-isa kasama ko.

"Galit pa rin kaya siya sa akin?"

Nasa malalim akong pag-iisip nang makarinig ako nang pagbukas ng pinto saka ko nakita si Sitti nan aka-uniform na at pababa na sa may hagdan.

"Sitti, anak!" mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko. "Gising ka na pala? Gusto mo bang kumain? Anong gusto mo? Ipagluluto kita—"

"Sa labas na lang po ako kakain. Salamat na lang po."

Gusto ko siyang pigilan nang makita ko siyang papalabas na ng pinto.

Gusto ko siyang tawagin ulit, kausapin at itanong sa kanya kung okay lang ba siya o ano.

Ngayon ko lang nakita si Sitti na magkaganito at doon ako kinakabahan.

Pero gaya ng emosyon na naramdaman ko noon, pinangunahan ako ng takot.

Kaya kahit na malayo na siya at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko, hanggang sa huli, wala akong ibang nagawa kundi ang hayaan na lang siya umalis... parang 'yong ginawa ko lang no'ng hayaan kong umalis si Souchiro nang mag-isa para tuparin ang mga pangarap niya.

"Masama ba talaga akong magulang?"


Kaizer's POV

TAHIMIK KO lang siyang pinapanood habang nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng fast food kung saan ko siya niyaya kumain.

Kanina ko pa napapansin 'yong pananahimik niya at biglang pag-iba ng mood niya.

Magmula no'ng sinundo ko siya sa Eigaku at hanggang sa ngayon ay wala pa akong naririnig ni isang salita na lumabas sa bibig niya.

"TG," tawag ko sa kanya saka inabot 'yong isang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa. "Okay ka lang ba?"

No'ng hawakan ko siya ay parang do'n lang siya nagising sa kung ano mang iniisip niya saka siya humarap sa akin at marahang tumango.

Hinintay ko na magsalita siya pero tanging iyon lang talaga ang nakuha kong sagot sa kanya.

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now