My Tag 13

25.2K 879 281
                                    


My Tag 13

Sitti's POV

"MA! SIGE na po! Alalahanin n'yo kung sino 'yong bata sa picture na 'to!"

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang kinulit si Mama dito sa loob ng shop namin habang pinapakita sa kanya 'yong picture ko na may kasamang batang lalaki na nakita ko sa attic noon.

"Bakit sino ba 'yan? Ang kulit-kulit mo talagang bata ka! Sabihing hindi ko nga maalala e!"

"Mama naman! Kailangan mo siyang maalala!" sabi ko saka muling napatingin sa picture na hawak ko. "Baka siya na 'yong matagal ko nang gustong makilala."

"Huh? Teka nga sandali, anak ng nanay mong nuknukan ng ganda! Ano bang mayro'n at aligaga ka masyado sa picture na 'to? Saka bakit bihis na bihis ka? May lakad kayo ni Kaizer?"

"Wala po, Ma..." sabi ko na lang kasunod ng isang buntong-hininga bago ko hinila 'yong isa sa mga upuan sa mesa malapit sa counter.

Mabuti na lang talaga at walang masyadong customer sa shop ngayon kaya hindi masyadong nakakaabala 'yong pag-uusap namin ni Mama at 'yong pangugulit ko na rin sa kanya na malaman 'yong pangalan ng bata na nasa litrato na hawak-hawak ko ngayon.

Alam ko na may malaki pa akong problema para sa sport festival namin na magsisimula na ang pagpa-practice sa susunod na linggo.

Pero hindi ko talaga p'wedeng bale-walain ang isang 'to.

Paano kung tama ang hinala ko na 'yong bata sa panaginip ko at nandito sa litrato at 'yong operator sa fictional character na si Kaizer ay iisa lang?

Paano kung tama ako na si Mobi nga 'yong OP sa likod ni Kaizer?

Gusto kong malaman kung totoo man o hindi ang mga hula ko.

Dahil kung totoo nga silang lahat, ibig sabihin...

"Hindi pa ako gano'n katanda para hindi maalala na ako ang kumuha sa picture n'yo na 'to..." nagsalita ulit si Mama saka naupo sa upuan sa tapat ko at kinuha sa kamay ko ang litrato. "Hindi ko alam kung bakit nasa scrapbook ng baby pictures mo 'to pero hindi ko talaga maalala na may kinuha akong ganitong picture noon."

"So, hindi n'yo po talaga kilala 'yong bata?"

"Sorry, anak pero hindi talaga," sagot ni Mama saka binalik sa akin 'yong picture bago niya ako tinitigan nang derecho sa mata. "Ano bang problema natin, Sitti? May gusto ka bang sabihin sa akin?"

Ilang beses akong napatingin sa mukha ni Mama at sa picture ng bata na 'yon, nag-aalangan kung sasabihin ko ba kay Mama ang tungkol sa mga weird na napapanaginipan ko.

Hindi naman kasi ako siguro kung totoo bang nangyari sa akin ang mga napapanaginipan ko. Na baka gawa-gawa lang siya ng imahinasyon ko o baka dahil na rin sa stress.

Ayon pa sa nabasa kong Psychology book ko sa bahay, may mga pagkakataon daw talaga na nakakagawa ng mga imahe ang utak natin na minsan napagkakamalan nating totoo kahit hindi naman talaga.

Paano kung ilusyon ko lang lahat ng napapanaginipan ko? Paano kung naiuugnay ko lang talaga 'yong bata sa litrato na hawak ko ngayon sa mga napapanaginipan ko kasi 'yong subconscious na parte ng utak ko ay gustong makilala 'yong bata at hindi naman talaga sila parte ng nakaraan ko?

Biglang nanlaki ang mata ko nang may maalala ako saka ko biglang kinuha ang mga kamay ni Mama.

"Ma! Nawala ba ako no'ng bata pa ako?"

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now