My Tag 8

45.7K 1.3K 329
                                    


My Tag 8

Sitti's POV

"ANO 'YANG hawak-hawak mo?"

"Libro tungkol sa mga planeta at stars."

"Marunong ka na magbasa? English na 'yan, 'di ba? Ganyan 'yong mga salita na binabasa sa akin ng Mama ko kapag matutulog na ako e!"

"Hindi pa. Tinitingnan ko lang ang mga pictures."

"Mahilig ka ba sa pictures ng stars at planets?"

"Oo. Pangarap ko kasi maging kagaya ng Daddy ko."

"Ano bang trabaho ng Daddy mo?"

"Ay! Talaga naman! Natutulog ka na naman dito sa kusina, Sitti?"

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko sabay hinanap ang pinanggalingan ng boses ni Mama na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko at nakalagay ang dalawang kamay sa may baywang.

"Sitti, anak, kung inaantok ka pa, doon ka matulog sa bahay. Hindi dito sa kusina ng shop! Baka mamaya niyang kumalat ang laway mo sa mga paninda natin. Ano na lang sasabihin ng mga costumers natin?"

"Sorry po, Ma," sabi ko na lang sabay pinunasan ang gilid ng bibig ko gamit ang likod ng kamay ko. "Hindi ko po kasi namalayan na nakatulog na pala ako."

"Mukha nga. Kahit nga do'n sa date n'yo ni Kaizer kagabi, tulog ka," sabi ni Mama sabay napapailing. "Alam mo, anak ng nanay mong bukod na pinagpala sa lahat ng magagandang nilalang, sa lahat ng nakikipag-date, ikaw lang ang iuuwi ng date mo ng tulog. Ano bang nangyari do'n sa date n'yo ni Kaizer at tinulugan mo lang siya, huh? Sige nga! Magkwento ka sa 'kin! Kailangan ko ng update!"

Kahit na gusto kong sagutin ang mga tanong ni Mama, kahit ako ay wala ring alam sa nangyari.

Basta ang alam ko lang, bigla na lang nawala si Kaizer do'n sa planetarium no'ng magsisimula na ang palabas. Tapos bigla kong nakita si MM, tinuruan niya ako ng madaling paraan kung paano mame-memorized ang mga planets sa solar system at sumunod no'n... wala na.

Ay, mayro'n pa pala! Kaninang umaga bago ako pumasok dito sa shop, tumawag sa akin si yabang para sabihin ang tungkol sa nangyari sa kanya kahapon at kung paano hindi siya nakasipot sa "date" dapat namin.

"Sitti, sorry!"

"Sorry para saan?"

"Sa hindi ko pagsama sa'yo na manood sa planetarium. Sa hindi ko pagsipot. Sa bigla kong pagkawala. Pasensya ko na kung inuna ko ang ibang tao kaysa sa date natin. Hindi ko lang talaga malaman kung anong gagawin ko do'n sa babae na bigla na lang nahimatay sa harapan ko. Kaya rin ako natagalan kasi sinamahan ko pa siya sa ospital at hinintay na payagan ako ng mga doktor na umalis. Pasensya ka na kung hindi ako nakasama sa panonood mo sa planetarium. Pasensya ka na talaga, Sitti."

Sa totoo lang, hindi na naman kailangan ni Kaizer na mag-sorry sa 'kin dahil lang do'n sa hindi inaasahanag aksidente na sumalubong sa kanya. Ang mahalaga lang naman sa 'kin ay 'yong nakarating siya.

Siguro kung hindi niya ginawa 'yon, kung hindi niya tinulungan 'yong babae, mas lalo akong magagalit sa kanya. Dahil ang kilala kong Kaizer, sobrang mabait at matulungin sa iba—kahit pa nga sobrang naiinis siya do'n sa tao na 'yon.

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now