My Tag 23

24.2K 825 89
                                    


A/N: Sorry for slow updates. Medyo busy lang. Sorry rin sa typos and other errors. Nakakainis 'yong auto-correct sa update ng Microsoft. Anyway, happy reading! Don't forget to leave comments din po! Salamat! ^^

My Tag 23

Sitti's POV

'YONG KANINANG punong-puno ng ingay at sigawan ng mga pinaghalong supporter at basher ay biglang napalitan ng nakakabinging katahimikan.

Lahat kami ay nakatingin lang sa may isang court, ang court kung saan naglalaro ang team namin kanina, at kung saan nakahandusay sa sahig ang katawan ni Mia.

"Nasaan na ba ang medical team?!" malakas na sigaw ng isa sa mga dean sa school habang nasa tabi ito ni Mia kasama ang ilan sa mga professors at pati na rin si Sir Souichiro.

"A-anong nangyari?" kinakabahang tanong ko sa katabi kong si Kaizer habang nakatingin pa rin sa direksyon ni Mia.

"Hindi ko rin masyadong nakita. Pasunod na ako sa'yo sa labas no'ng hindi ka pa nakakabalik pero hindi rin agad ako tumuloy no'ng may marinig ako na malakas na kalabog. Tapos ganito na ang sumunod na nangyari."

Hindi ko gustong mamintang at alam kong masama 'yon, mas lalo ang magduda ako sa ibang tao.

Pero alam ko, sa sitwasyon na nangyayari ngayon, nasa iisang tao lang ang tapon ng sisi...

Kay Margaret.

Bigla akong napatingin sa direksyon ng team namin, partikular kay Margaret, para tingnan ang reaksyon niya.

At gaya ng inaasahan, walang takot, kaba o kahit awa man lang ang makikita mo sa kanya at sa halip ay parang masaya pa siya sa nangyari kay Mia.

"Kita mo nga naman ang karma. Digital na," nang-uuyam na sabi niya habang nagpa-panic pa rin ang members ng faculty sa sitwasyon ni Mia.

"Miss! Ayos ka lang ba?"

Muli kong binalik ang tingin ko sa direksyon ni Mia nang marinig ko ang halos pasigaw na sabi na 'yon at saka ko nakita na unti-unti nang bumabangon si Mia.

"Okay ka lang ba? Saan ang masakit? Naaalala mo pa ba kung nasaan ka ngayon?"

"Okay lang po ako—"

Lahat ay biglang napasinghap nang makita ang nagdudugong ulo ni Mia saka ito muling bumagsak sa sahig.

"Tumawag na kayo ng ambulansya!"


"I AM so disappointed with all of you..." pigil ang galit at dismayadong sabi ng guidance counselor ng Eigaku.

Matapos makarating ng ambulansya, agad-agad nilang isinakay sa stretcher ang wala pa ring malay na si Mia saka ito isinugod sa pinakamalapit na ospital. At dahil din sa hindi inaasahang pangyayari, napilitan ang parehong faculty ng magkabilang school na ihinto pansamantala ang game.

Sa tingin ko nga, kapag talagang hindi naging maayos ang lagay ni Mia, mapipilitan sila na hindi na ituloy ang sports festival at sa tingin ko, baka ito na rin ang magiging huling pagkakataon na mangyayari ulit ito sa magkabilang school.

At ngayon ay pinatawag sa guidance office ang team namin at ang kay Mia para humarap sa mga inis o 'di kaya'y galit na pagmumukha ng mga faculty at kasama na rin sa loob ng kwarto ang may-ari ng Eigaku na si Sir Souichiro.

"We're supposed to have a friendly game here tapos ganito ang mangyayari?" sabi ulit ng counselor saka ito napatingin kay Margaret. "And about you, Miss. It was very clear that you have a personal grudge with your fellow schoolmate. Kailangan ba talaga daanin ang dahas ang hindi n'yo pagkakaintindihan?"

My Tag Boyfriend (Season 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon