My Tag 18

33.6K 1.1K 399
                                    


Mag-ready ng makakapitan! Hindi n'yo kakayanin ang ending ng chapter na 'to! Pramis!


My Tag 18

Sitti's POV

SINABI KO sa sarili ko na kapag may pagkakataon na makita ko si Kaizer, hindi na ako magdadalawang-isip na kausapin siya o kaya hintayin pa na siya ang unang lumapit sa akin.

Determinado na ako kanina. Wala na ngang pumapasok sa tainga ko do'n sa pinagsasabi ng student council habang may assembly sa gym dahil iyon at iyon na lang ang iniisip ko. Na kailangan kaming mag-usap ni Kaizer at hindi ko dapat papalagpasin ang araw na 'to nang hindi kami nagkakaayos o hindi ko siya natatanong kung ano bang problema naming dalawa.

Kaya lang, may mga pagkakataon talaga sa buhay natin ang hindi natin maiiwasan.

Gaya na lang ng surprise quiz sa subject namin Math.

"Maaral ko kaya ang lahat ng 'to?" problemadong tanong ko sa sarili ko habang nandito ako ngayon sa loob ng library at habang nakikipagtitigan ako sa mga libro ng Math na nasa harapan ko ngayon.

Gaya nga nang nasabi ko na noon, hindi nako-consumed ang buong araw namin para lang sa pagpa-practice para sa sports festival. Dahil kahit pa nga joint activity ng Eastton at Eigaku ang event na ito at kahit pa bukas na 'yon, priority pa rin naman ng school ang pag-aaral namin. Kasama na ro'n ang hindi nila pag-excuse sa amin sa mga nakakaiyak na quiz gaya na lang ng may kinalaman sa Math o sa Science.

No'ng sinabi sa akin ng kaklase ko ang tungkol dito, mabilis akong bumalik sa classroom namin pagkatapos ng assembly para kunin ang mga gamit ko at dumerecho dito sa library para sana mag-aral.

Kaya lang nawala rin sa isip ko na ang Math pala ang isa sa mga subject na kahit anong pagsusunog pa ng kilay ang gawin ko ay hinding-hindi ko maiintindihan.

"Ibagsak ko na lang kaya 'to?"

"Wow. Hindi ko alam na ang bilis mo na palang sumuko ngayon."

Nagulat ako nang may biglang sumagot do'n sa sinabi ko. At nang iangat ko ang tingin ko do'n sa bulto na natayo sa harapan ko, nakita ko ang nakangiting mukha ni Jonas.

"Jonas..."

"P'wedeng maki-share?"

Nga pala. Si Jonas pa. Ang isa pa sa mga malaki kong problema.

Minsan napapa-isip ko kung magiging ganito pa rin pa kahirap ang mga problema ko sa buhay kung hindi ko na-tag si Kaizer sa status ko noon sa Facebook?

Magkakroon ba ako ng problema sa mga lalaki, sa isang misteryosong OP, sa sports festival at ngayon nga ay sa quiz namin sa Math kung hindi nangyari ang bagay na 'yon sa akin?

Sitti, baka nakakalimutan mo na simula yata no'ng nag-aral ka, hindi na kayo nagkasundo ni Math, sagot no'ng laging pabidang boses sa utak ko.

Pero in fairness. Tama siya do'n sa sinabi niya. Matagal ko na nga palang mortal enemy ni Math.

"Ano, Sitti? Okay lang ba?"

Sandali kong pinag-isipan 'yong tanong niya. Okay lang naman sa'kin na umupo siya sa pwesto ko kahit pa nga madami namang ibang bakanteng upuan sa library maliban do'n sa mesa kung nasaan ako. Okay lang din naman na umupo siya do'n kasi hindi naman akin 'yon, mas lalong hindi akin ang library.

Pero kasi ayoko namang maging dahilan na naman 'to para mag-isip si Jonas ng kung ano-ano. Na baka magbigay na naman 'to ng dahilan sa kanya para ipagpilitan ang sarili niya sa akin.

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now