My Tag 1

75.6K 1.8K 397
                                    



A/N: The first part of this chapter is sort of flashbacks. Kapag naka-italicized po ang sentence, it's either iniisip ng characters or flashback. Kapag word lang ang naka-italicized, giving emphasis sa word ang meaning no'n. Happy reading and leave comments po pagkatapos! ^^ - Anja


My Tag 1

Sitti's POV

MAGMULA NANG lumipat ako sa Eigaku, sobrang dami na nang nangyari, lalong-lalo na no'ng Christmas Eve.

Minsan nga, sa sobrang dami, napapaisip ako kung totoo ba silang lahat o hindi. Na baka nananaginip na naman ako nang gising at lahat ng ito ay gawa-gawa lang ng malikot kong imahasyon.

Minsan nga naiisip kong gumawa na ng sarili kong kwento sa Wattpad kaya lang panigurado, wala namang magbabasa ng gawa ko dahil hindi naman talaga ako writer at hindi naman ako sikat. Baka ma-depress lang ako sa magiging resulta ng magiging gawa ko.

Anyway, balik tayo sa kwento ko bago ako s-um-egway, nariyan 'yong nakilala ko si Zync Ysmael Buenavista—ang pinakanakakainis na lalaki sa buong Eigaku... noong una.

"Hoy!"

"Butones mo bukas."

"Uto-uto."

"Kasalanan mo ang lahat ng 'to! Sinabi ko ba sa'yo na i-nominate mo ako bilang si Prince Charming? I'm not a Prince nor want to become a prince! Mga walang-kwentang lalaki lang ang bagay sa prince charming na role!"

"Bakit? Sinabi ko rin ba na iboto mo ako bilang si Snow White? Hindi nga ako marunong kumanta o sumayaw eh! Tapos ako pa ibinoto mo? Gumanti lang ako sa pang-aasar mo kaya quits na tayo!"

"Ano bang ginagawa mo, Zync?!"

"Hoy, ikaw. Hindi ka namin kaklase kaya anong ginagawa mo dito?"

"A-ano bang pinagsasabi mo, Buenavista?"

"Oo nga! Baliw ka na ba? Kasama natin siya! Hindi ka kasi um-attend ng practice kaya hindi mo siya siguro namukhaan. Kasamahan natin siya!"

"Ah talaga? Kung talagang kasamahan natin siya, bakit ka niya papainumin ng suka?"

"Huh?! Anong suka? Baliw ka na ba? Tubig kaya niya 'yung binigay niya."

"Palibhasa retarded ka kaya wala kang alam. Hindi ako sigurado kung anong nilagay mo doon para mawala 'yung amoy pero base sa texture no'ng tubig na inabot mo, alam ko na hindi talaga tubig iyon. May ginamit ka bang nullifier para magmukhang tubig talaga ang binigay mo? O, gusto mong ako na ang magbigay sa'yo ng scientific name ng bagay na nilagay mo doon sa inumin para lokohin ang tanga sa likuran ko?"

"Maloloko mo si Tanga sa amoy pero hindi ang mata ko."

Okay! Mali pala ako doon sa huling sinabi ko kay Zync. Nakakainis pa rin pala siya hanggang ngayon dahil hanggang sa matapos ang Christmas Eve ay "Tanga" pa rin ang tawag niya sa akin.

Salamat sa pagpapaalala, Flashback!

Hindi ko masasabi na mas gusto ko ang Eastton pero sa loob ng napaka-iksing panahon, naging masaya naman ako sa pagpasok ko sa eskwelahan na 'to.

At hindi mangyayari ang lahat ng magagandang bagay na nararanasan ko ngayon kung hindi dahil sa tulong niya.

Kung hindi dahil kay Jonas.

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now