My Tag 15

36.2K 960 65
                                    


A/N: Don't be confused and read the ANNOUNCEMENT chapter before this one. Thank you and happy reading, taggers! ^^

P.S. I like this revision better. And again, sorry for the mistake that I made. KAIZER BUENAVISTA!!! BASTOS KA!!! (>/////<)

My Tag 15

Sitti's POV

HINDI KO na alam kung ilang oras na ba akong nakatitig sa kapirasong papel na hawak ko.

Magmula nang matapos ang meet up ng paborito kong author sa Wattpad, hindi na naalis ang atensyon ko sa papel na may mga nota na 'to.

Ang totoo nga n'yan, hindi na ako nakapagpokus sa mga nangyari sa meet up. Hindi na nga rin ako nakapag-fan girl nang maayos at nakapag-selfie man lang do'n kay Miss Author kasi hindi talaga mawala sa isip ko kung ano ba ang ibig sabihin ng OP ni Kaizer nang ibigay niya sa akin 'to.

"Kapag hindi pa nasagot ng bagay na 'to ang lahat ng tanong mo, hindi ko pa alam kung paano kita masasagot."

Minsan pakiramdam ko malapit ko nang mabuo 'yong puzzle sa katauhan ng OP ni Kaizer.

Pero sa tuwing malapit na ako, saka naman ako parang mas napapalayo.

Sobrang lapit na niya sa akin. Tanging ang papel na lang na 'to ang naghihiwalay sa aming dalawa at sa mga daang-daang tanong na nasa isip ko tungkol sa kanya.

Pero kahit sobrang lapit ko na sa kanya kahapon, wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya maliban sa isang papel ng sheet music na 'to.

"Time Forgotten..." basa ko ulit do'n sa title. "Ano bang ibig mong sabihin dito, OP?"

"Nandito ka lang pala!"

Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang may bigla na lang magsalita sa likuan ko sabay nakita ko ang mas mataas pa sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas na kilay ni Margaret. At kasama din niya ngayon si Patty.

"Alam mo ba na kanina pa nagsisimula ang assembly para sa mga team na kasali sa walang kwentang palaro na 'to? At alam mo rin ba kung gaano na ako naiinis sa'yo dahil ang grupo na lang yata natin ang wala pang konkretong plano para sa walang kwentang event na 'to, huh?"

"Gano'n na ba ako katagal nawala?"

Hindi naman sana para kay Margaret ang tanong na 'yon pero para sana sa sarili ko. Pero mukha yatang iba ang pagkakaintindi niya sa pagkakasabi ko.

"Ay, sige! Itanong mo pa sa akin! Gusto mong bigyan na rin kita ng record kung gaano ka kakulang-kulang at kung gaano ka ka-retarded bilang isang 'mabuting leader?'"

"Kumalma ka nga muna, Margaret," saway ni Patty dito bago niya ako hinarap. "Pasensya ka na sa kaibigan natin, Sitti. Nagkita na naman kasi sila ni Mia kaya ikaw na lang umintindi."

Oo nga pala si Mia.

Bakit ba nawala sa isip ko na kasali rin sa sports festival si Mia at na dapat akong mag-ingat sa mga ikikilos ko at mas maging mapagmatyag sa paligid dahil baka may gawin na naman siyang masama sa akin?

Pero kumusta kaya si Mia? May gusto pa rin kaya siya kay Kaizer? Galit pa rin kaya siya sa akin?

Alam ko na maraming ginawa si Mia sa akin na hindi maganda. At alam ko rin na hindi dapat ako nag-aalala sa kanya o mas lalong maging mabait sa kanya dahil sa mga ginawa niya.

Pero bagong taon na. Ayokong may magalit sa akin o may kaaway ako ngayong taon o sa mga susunod pa.

Kung mabibigyan nga ako ng pagkakataon, gusto ko sanang makausap si Mia para malaman ko naman kung ano ba talaga ang dahilan niya para magawa niya sa akin ang mga bagay na 'yon noon do'n sa Eastton.

My Tag Boyfriend (Season 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon