My Tag 37

24.6K 766 194
                                    


Daming typos. Unedited chapter. Tamad mag-edit si MaevelAnne. Happy reading! ♥

My Tag 37

Kaizer's POV

MULA NANG ma-tag ako ni Sitti sa post niya do'n sa Facebook hanggang sa kung paano nagsimula sa amin ang lahat at paano rin 'yon natapos dahil sa mga pagmamanipula ni Mia sa mga nangyayari, parati akong nakakaramdam ng takot.

Kung saan ang galing ang takot na 'yon? Hindi ko rin alam. Kahit ako hinahanap ko pa rin ang sagot sa takot na nararamdaman ko kapag nakikita ko sila na magkasama.

Matagal ko nang kaibigan si Mobi. Bata pa lang kami kilala ko na siya maging ang pamilya niya. Alam ko rin ang dahilan niya kung bakit niya piniling manatili sa Pilipinas at kung bakit lagi na lang silang nag-aaway ng kapatid niya sa tuwing uuwi ito.

Hindi ko man naipapakita sa kanya nang maayos pero alam ko sa sarili ko na naging mabuti akong kaibigan sa kanya; na hindi ako nagkulang at tahimik ko lang siyang sinusuportahan sa mga ginagawa niya.

Pero nang mga oras na iyon, sa mismong lugar na 'yon, 'yong takot na matagal nang bumalaot sa akin ay biglang bumalik.

Alam ko na wala akong dapat ikabahala dahil alam ko ang nararamdaman ni Sitti para sa akin. Na kahit lagi shihiyang ipakita sa akin ang nararamdaman niya, alam ko kung saan ako nakatayo sa buhay niya. Na sa kabila ng mga insecurities ko sa sarili ko, sa nakaraan ko at sa mga bagay na alam kong hindi ko pa nagagawa sa sarili ko at para sa kanya, alam kong mahal ako ni Sitti.

Pero no'ng hilain na ni Mobi 'yong mga kamay niya, no'ng pareho silang lumayo sa lugar kung saan ginaganap ang party para kay Sitti, hindi ko naiwasan na sundan sila at lihim na makinig sa usapan nila.

Dahil alam ko na noong una pa lang, hindi ko man maamin sa sarili ko o sa iba...

Alam ko na pareho kami ng nararamdaman ni Mobi para kay Sitti.

"Sorry kung kinailangan mo pang gawin 'yon para lang sa akin."

"Ayos lang. Wala naman akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko. Saka naintindihan din naman nila kuya at magulang ko ang gusto kong mangyari kaya binigyan pa nila ako ng tatlong taong palugit para sabihin sa'yo ang lahat."

"Hindi ako deserving na magpakita sa'yo nang ganito, Felicity. Pero ayoko rin namang umalis nang hindi ko nasasabi sa'yo ang mga bagay na 'to. Gusto ko kapag umalis ako, makakatulog na ako nang maayos. Na sa susunod na magkakausap tayo, hindi na ako magpapanggap na ibang tao kundi ang mismong sarili ko na talaga. Kaya no'ng nakita kita na napunta kay Kaizer, nakahinga na ako nang maluwag. Kasi alam ko na umalis man ako, alam kong nasa pangangalaga ka na ng isang mabuting tao. Isang tao na alam kong hindi ka pababayaan at iiwanan o ang magsisinungaling dahil sa kaduwagan hindi gaya ng mga ginagawa ko. Na kung aalis man ako ngayon, masaya akong iiwan kay kay Kaizer nang walang pagsisisi."

May mga bagay na hindi pa rin malinaw sa akin hanggang ngayon lalo na sa naging daloy ng usapan nila Sitti at Mobi na narinig ko.

Pero base na rin sa napapansin ko, nakakasiguro na ako na 'yong dahilan kung bakit pinili ni Mobi na maiwan mag-isa dito ay dahil kay Sitti.

Na 'yong babaeng matagal na nitong hinihintay ay walang iba kundi si Sitti.

Kung tatanungin n'yo ako kung nagseselos ako? Hindi ko sigurado.

Dahil kung ano man 'tong nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko ngayon, alam ko na hindi lang 'yon simpleng selos.

Sinusubukan kong magbago. Na gusto kong maalis 'yong mga hindi magagandang pag-uugali ko para matuwa sa akin si Sitti at maipagmalaki niya ako. Na gusto kong maging perpektong boyfriend para sa kanya. At alam ko rin na magiging masama at makasarili ako sa mga susunod kong sasabihin pero...

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now