Chapter 3

474K 13.1K 2.6K
                                    

White flag

Isang linggo na ang lumipas. As much as possible umiiwas ako kay Angel.

"If this is a war between you and Angel," Sambit ni Byron. "Then what's your plan against her? Parang wala ka naman ginagawa tska isa pa hindi basta basta si Angel, bro." Pareho silang tumingin sakin.

Pinag-isipan ko na lahat ng gagawin ko. May dahilan kung bakit ako umiiwas sakanya.

This will not be a typical war. Sa gyera na 'to, sisiguraduhin ko na ako ang panalo.

Ngumis ako sakanila. Ngayon pa lang nakikita ko na ang pagkapanalo ko at ang downfall ng Angel na 'yon.

"I'll make her fall for me then I'll dump her when she's madly in love with me. That's how you hurt them, you broke their heart."

Nagkatinginan silang dalawa. I'm not sure kung naaawa ba sila sa Angel na 'yon o may doubt sila sa plan ko.

"Bro, sigurado ka ba talaga dyan?" tanong ni Byron. "Ako nga ni-reject niya, eh."

"No hurt feelings pero I can do better kung gugustuhin ko lang. Just wait and see."

Pagmamayabang ko. Sa totoo lang, mas malakas talaga si mga babae si Byron pero kapag ako gumalaw, siguradong makukuha ko kung anong gusto ko.

Katulad ng palagi nilang ginagawa, pinag pustahan na naman nila kami. Ang masama lang, pareho silang agree na hindi ko mapapa in love si Angel.

"Bibigyan niyo ko ng Montero kapag ako nanalo, ha?" Sambit ko. "Iiyak kayong dalawa kapag na in love na sakin 'yang babae na 'yan."

"Sige bro, hihintayin namin 'yan." Natatawa tawa pa si Waxy habang sinasabi niya 'yon. "Pero kung kailangan mo ng tulong, nandito lang kami."

"Thanks bro."

In all honesty, I don't fvcking know where I would start. Iniisip ko kasi kung matatagalan ko ba 'yong pagpapanggap ko na gusto ko 'yong Angel na 'yon na ang totoo, sobrang kinakainisan ko siya.

"You can do this, Skie." Bulong ko sa sarili ko.

Pag uwi ko sa bahay, nakaabang na sakin si Daddy at Mommy. Malayo pa lang ako masama na 'yong tingin sakin ni Dad.

"Tumawag samin 'yong guidance counselor at nagpapasok ka daw ng mga lalaki sa school para saktan 'yong best friend ni Kiro. Totoo ba 'yon?"

Tanong ni Daddy. Napatingin agad ako kay Kiro. Pakiramdam ko may kinalaman siya sa lahat ng 'to.

"I was just trying to scare her," I said with a monotone voice. "It's nothing serious?"

Nagulat ako ng biglang lumapit sakin si Kiro at hinila niya ang kwelyo ng damit ko. "Nothing serious? Paano kung napahamak siya ha? Hindi pa din ba seryoso 'yon sayo?"

Inalis ko agad ang kamay niya sa damit ko. Tinulak ko siya palayo sakin. Anong karapatan niyang komprontahin ako? Kung wala nga lang si Mommy at Daddy sa harapan naming baka nabugbog ko na siya pero alam ko naman na 'yon ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang lumabas na naman akong masama sa parents namin. Gusto niya kasi lahat ng atensyon nasakanya. Gusto niya kasi siya lang ang magaling sa lahat ng bagay.

That's why I hate him so much.

"Don't make it a big deal. Wala naman nangyaring masama sakanya. Chill ka lang dyan, pwede?" pagod na ako sa ganitong sitwasyon na paulit-ulit na lang. Ako ang masama, si Kiro ang mabuti at ang magulang naming siya ang palaging pinapaniwalaan at kinakampihan. "Magpapahinga na ako." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at umalis na ako sa harapan nila.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon