Chapter 28

205K 6K 2.1K
                                    

Brother

Sabi nila, the best place daw ang airport kasi lahat ng emosyon makikita mo dito. Saya, lungkot, excitement, lahat na yata.

"Mag-iingat ka do'n anak," paalala ni mom na para bang sasabak ako sa gera. "Tumawag ka agad kapag nakarating ka na sa New York."

May utang pa ako sa kanila. Alam ko sila ang dapat unang makaalam nito pero hindi ko nagawa kaya bago ako umalis dapat masabi ko na sa kanila.

"Dad, mom, may gusto akong sabihin," hinawakan ko ang kamay ni mom. Pareho silang nakatingin sa'kin. "Bumalik na ang alaala ko. Nang maaksidente ako pagkatapos ng pageant night, do'n bumalik lahat. Hindi ko sinabi dahil ayokong guluhin si Trix at Caleb pero dapat pala sinabi ko na sa inyo noon pa. I'm sorry."

Niyakap ako nang mahigpit ni mom. Umiiyak siya, siguro sa tuwa. "Masaya ako pero nalulungkot din ako kasi aalis ka na. Hindi man lang natin na celebrate 'yang pagbalik ng alaala mo kahit na alam kong dati pa dapat 'to."

"I'm sorry, mom. Kayo dapat ang una kong pinagsabihan nito."

"Alam na ba ni Angel?" Tanong ni dad. "Anong sabi niya?"

"Oo alam niya na dad," tumingin ako sa paligid, nagbabakasakaling makita ko siya pero wala talaga. "Pero may iba na siyang mahal kaya wala nang silbi sa kanya kung bumalik man ang alaala ko o hindi."

"May Karrie ka na naman anak, hindi ko nga maintindihan kung bakit wala siya dito ngayon."

"Mom, I'm sorry, hindi ko talaga siya girlfriend. Sinabi ko lang 'yon para pagselosin si Beatrix," tumingin ako kay dad. "Dad, tanggapin mo pa rin siya sa office, gusto ko siyang tulungan na makatapos."

"Why don't you give her a try?" Tanong ni mom.

"I still love Beatrix."

Nagkatinginan silang dalawa ni dad. Niyakap niya muli ako. "I hope you find peace in New York, anak."

"I will, mom."

Mahirap din iwan si mom lalo na't may sakit siya. Although hindi naman gano'n kalala pero gusto ko rin siyang alagaan.

Pero mas kailangan ako sa New York.

Ilang oras din 'yong byahe ko, at ilang bansa rin 'yong dinaanan namin bago makarating sa New York.

Napangiti agad ako paglapag pa lang ng paa ko sa lugar na matagal ko ng hinahanap. Ilang taon na rin akong hindi nakabalik dito.

Kahit na dito sa lugar na 'to nawala ang alaala ko, nandito pa rin ang mga magagandang alaala namin ni Beatrix.

Tuwing naaalala ko kung paano ako nawalan ng alaala, hindi ko maiwasan na makaramdam ng galit kay Kiro. Siya ang dahilan— sila ni Anya ang dahilan kung bakit kami nasira ni Beatrix.

Pero sabi ko nga sa sarili ko, nangyari na ang lahat at kung nagsisisi na si Kiro sa mga ginawa niya, handa na akong patawarin siya.

Ang tagal na nang huling kaming nag-usap bilang magkapatid. Ang tagal kong nagtanim nang galit sa kanya.

Naiintindihan ko na ang lahat. Alam kong naghahanap lang siya ng atensyon na akala niya sa akin lahat binigay ng parents namin pero ang hindi niya alam, gano'n din ang tingin ko sa kanya. Nagawa niya kaming sirain ni Beatrix na kahit anong pilit kong intintidihin ay hindi ko magawa pero lahat naman ng tao may nagagawang pagkakamali sa buhay nila.

Higit sa lahat, may cancer siya.

Kahapon ko lang nalaman ang lahat bago ako matulog. Nag-email ako sa kanya pero walang sumagot pagkatapos nagulat ako nang ma-send niya sa'kin 'yong result ng medical examination niya imbes na kaibigan niya. Hindi 'to alam nila dad. Ayaw niyang sabihin dahil ayaw niyang mag-alala 'yong dalawa. Kung ako man 'yong nasa posisyon niya, hindi ko rin sasabihin pero paano pala kung malala na 'yong sakit niya? Mas masakit ata kung sa huli na lang malalaman ng magulang namin. Kaya nag-decide na rin akong mag stay dito sa New York para alagaan siya.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang