Chapter 20

226K 6.2K 3.4K
                                    

Blind date

Kada umaga, routine ko na 'yong kuhanan ng litrato 'yong sunrise mula sa kwarto ko. Ang sarap kasi tignan ng sunrise at sunset, nawawala 'yong stress ko.

Bago ako kumuha ng litrato, may napansin akong picture na hindi pamilyar sa'kin.

"What the.."

Picture ni Karrie na naka "f*ck you"

"Anong klaseng babae ba siya?"

Naaala ko na naman 'yong nangyari kagabi kaya nawala na din siya sa isip ko. Mas nangibabaw sa'kin 'yong mga sinabi ko kay Beatrix.

Ang tanga ko talaga. Buti na lang may palusot akong nabigay sakanya. Kakalimutan ko muna lahat ng 'yon dahil for sure, lutang na naman ako kapag nito buong araw.

Maaga na lang akong pumasok sa office. Madami akong hindi nagawa dahil sa kaka-walwal ko. For sure, papagalitan na naman ako ni Dad.

"Good morning, Sir Skie." Bungad ng mga empleyado namin na puro mga babae. "Have a nice day po."

Seriously? Bakit ang konti ng lalaking employee sa company namin? Hindi naman ako uhaw sa babae. Mas gusto ko nga na puro lalaki 'yong tao dito para less drama.

"Drop the sir, Skie na lang." Sambit ko. Kinindatan ko silang lahat at kilig na kilig naman sila. "Work hard today, girls!"

Hindi ko alam kung gwapo ba talaga ako sa paningin nila kaya sila kinikilig o baka dahil lang sa anak ako ng may-ari ng pinapasukan nila.

Pag pasok ko sa office ko, nandon na si Dad.

Although okay na kaming dalawa, may times pa din na nagiging strict siya sa'kin. "Hindi ka umuwi nang isang araw, anong problema?" Hindi ko siya nakita kagabi kaya for sure, kakauwi lang niya galing Cebu.

"Natulog ako kala Enzo, Dad."

"'Yon lang ba talaga?"

Kilala na ako ni Dad, alam niyan natutulog lang ako kala Enzo kapag may problema pero this time, ayoko munang sabihin sakanya ang tungkol kay Karrie.

"Yes Dad, walwal mode lang kami nang weekends pero don't worry, kaya kong tapusin lahat ng tasks na naiwan ko."

"Alam ko naman na kaya mo. Gusto ko lang kamustahin ka." Pakiramdam ko may kailangan siya sa'kin maliban sa gusto niya akong kamustahin. "Oo nga pala, naisip namin ng Mommy mo na isali ka sa isang blind date."

Napanganga na lang ako sa sinabi ni Dad. "Blind date?" Anong nakain nila at naisip nila 'yon? "Bakit kailangan niyo akong isali don?"

"Simula kasi nang mga break kayo ni Anya, wala ka nang interes sa mga babae. Hindi ka naman bumabata at lalo na kami ng Mommy mo. Gusto din namin na magkaroon ng apo."

What?

"Dad, isang taon pa lang akong single! Hindi ako mauubusan ng babae!"

Ngumisi siya. "Pareho talaga tayo mag-isip pero kasi napansin ko na matamlay ka din this past few weeks kaya sinali ka namin don sa blind date." Binigay niya sa'kin 'yong address ng place. "Pumunta ka, nakakahiya naman don sa ka-date mo." Ngumisi ulit siya sa'kin. Seryoso ba talaga siya dito?

"Dad—"

Ang bilis niyang sumibat ng kwarto. Ang tanda tanda na niya pero pakiramdam ko mas pilyo pa siya sa'kin.

Rosé Cafe Quezon Avenue
Date at 7Pm — Table 32

Sana man lang binigyan nila ako ng choice. Yes or yes lang 'yong binigay sa'kin ni Dad, eh.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now