Chapter 25

210K 5.7K 1.5K
                                    

Officemate

Bago ko siya sunduin, binilhan ko muna siya ng breakfast. Mukhang late na siya nagising kanina kaya baka wala na siyang time kumain.

Sakto pag dating ko sa harap ng condo building niya, nando'n na siya at naghihintay sa'kin.

"Good morning!" Masigla niyang bati. Bumaba ako para pagbuksan siya ng pinto. "Excited na ako sa first day ko sa work."

"Kaya pala parang late ka nagising?"

"Ang ganda kasi nang pinapanuod ko sa netflix kaya napuyat ako. Sorry naman!" Napatingin agad siya sa breakfast na binili ko. "Pwede ba ako makahingi ng food? Hindi pa kasi ako kumakain, eh."

"Alam ko, kaya binilhan talaga kita ng pagkain," bigla niya akong niyakap. Tuwang tuwa siguro siya sa ginawa ko. "Sa susunod, bago ka umalis ng bahay, kumain ka muna."

"Salamat dito," kumain agad siya. Mukhang gutom nga siya. "Ang sarap ha, sa susunod ipagluluto kita nang ganito."

"Sige, damihan mo ha? For sure madami akong makakain n'yan. Dati sa tuwing dadalaw ako kay Trix sa New York, kada umaga, nagluluto siya ng breakfast para sa'kin. Sabi kasi niya, breakfast ang importanteng meal natin," bigla akong natahimik. Hindi ko rin alam kung bakit nabanggit ko si Beatrix. "Kaya kumain ka ng marami d'yan."

Pagkatapos kong mag park, nakita namin si Trix na nag park din malapit sa entrance. Huminto kami sa harap niya.

"Hi Angel!" Bati ni Karrie.

"Hi Karrie!" Nakakunot ang noo niya. Hindi ko pa nasabi sa kanya na pinasok ko dito sa office si Karrie. Wala rin naman akong time. "Anong ginagawa mo dito?"

"Mag wo-work na ako dito. Ikaw? Dito ka na rin ba?"

Tumingin sa'kin si Trix. Parang sinasabi niyang, 'Anong ginawa mo?' Hindi ko naman kasi ugali magpasok ng kung sino dito sa kumpanya namin.

"Dito na rin ako mag wo-work," hindi pa rin niya inaalis 'yong tingin niya sa'kin. "Pwede ba tayong mag-usap, Skie?"

Tumango ako. "Ihahatid ko lang si Karrie sa office ko," hinawakan ko ang kamay ni Karrie para pumasok sa loob pero inalis niya agad ang kamay niya sa pagkakahawak ko. "Bakit?"

"Kaya ko nang pumunta sa office mo, sabihin mo lang sa'kin kung saan."

Kinuha ko ang phone ko para i-text 'yong secretary ni Dad. Pinasundo ko na lang siya sa lobby. "Maghintay ka sa lobby, may susundo sa'yo do'n."

"Okay," kumaway siya kay Beatrix habang nakangiti. Para siyang bata. "See you later, Angel!"

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko. Umupo kami sa gilid ng parking lot. "Importante ba 'yan?"

"Anong ginagawa ni Karrie dito?"

"Pinasok ko siya dito sa office, dito na siya mag wo-work kapalit ng scholarship na binigay ko sa kanya," hindi ko siya tinitignan habang nagsasalita ako. "May problema ba?"

"Girlfriend mo ba talaga siya?" This time, ako na ang tumingin sa kanya pero siya naman 'tong umiwas ng tingin sa'kin. "H'wag mo na lang pansinin 'yong tanong ko," tumayo siya pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Apektado ka ba?"

Tinignan niya ako kasabay nang pag-alis niya sa kamay ko. "Hindi, nagtatanong lang ako."

Tumayo na rin ako. Sabagay, bakit nga naman siya maaapektuhan? Si Caleb nga pala ang pinili niya sa aming dalawa.

"Sinong nagsabi na dito ka na mag wo-work?" Hindi ata ako na-inform sa pagdating niya. "Si Dad ba?"

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now