Chapter 18

251K 6.5K 3.8K
                                    

Faded Memories


"Kamusta pre?" Tanong niya. "Salamat sa pag-aalaga kay Angel habang wala ako. Dalawang taon na lang naman tapos na ako sa Art school at pwede na akong bumalik dito." Kahit naman hindi niya sabihin, aalagaan ko si Trix.

"Don't worry bro, I understand."

Pareho kaming nakatingin kay Trix habang nag-uusap. Alam ko kasalanan na mahalin pa din si Beatrix kahit na girlfiend na siya ng best friend ko pero hindi ko kayang pigilan 'yong sarili ko.

Buong buhay ko kay Beatrix ko lang binuhos ang pagmamahal ko.

"Nag order na ako. Isang macchiato for Skie at isang espresso for my honey." Masayang masaya siya. Saya na hindi ko nakikita kapag ako ang kasama niya. "Sobrang na-miss kita hon!"

"Hon, sorry pero ayoko na ng espresso. Macchiato na lang sa'kin, ako na o-order."

Pagkaalis ni Caleb, biglang lumungkot 'yong mukha ni Trix. "Pati paboritong kape ni Caleb, nag-iba na din. Ang daming nagbago sakanya simula ng umalis siya." Mukhang nag-aalala siya ng sobra. Anong dapat niyang ipag-alala?

"Anong problema don? Nagbabago naman talaga ang tao." Sambit ko. "Wala kang dapat ipag-alala."

"Baka kasi isang araw magbago na din 'yong nararamdaman niya para sa akin."

Gustuhin ko man mangyari 'yon pero alam kong hindi mawawala ang pag-mamahal ni Caleb sakanya. Katulad ko, wala pang minahal na ganito si Caleb, si Beatrix lang. Kaya nga siguro kami mag best friend kasi pareho kami ng gusto.

"Itago mo sa bato, hindi 'yon mangyayari."

Pinilit niyang ngumiti pero alam kong nag-aalala pa din siya.

"Skie!" Pareho namin nilingon 'yong sumigaw sa likuran namin. Pamilyar na pamilyar 'yong boses niya. "Guys! Kamusta? Sobrang tagal na nating hindi nagkita ha?"

"Waxy?" Sabay naming sambit.

"Oo ako nga! Kamusta?" Niyakap niya ako at kinamayan niya si Angel. "Sorry ha, istorbo pa ata ako sa date niyong dalawa. Kamusta? Ang tagal niyo na ha? Akala ko nag break na kayo pero kayo pa din pala."

"Friends na lang sila," biglang singit ni Caleb. "Ako na 'yong boyfriend ngayon ni Angel."

Tinignan ako ni Waxy. "Ah ganon ba? Sorry bro, ang tagal na kasi naming hindi nagkita. Ako nga pala si Waxy, ikaw?"

"Ako si Caleb." Mukhang hindi okay si Caleb sakanya. "Nice to meet you."

"Sige una na ako, mag coffee na lang tayo sa ibang araw." Binigyan niya ako ng calling card. "Tawagan mo ako dyan bro."

Biglang nag iba 'yong mood ni Caleb. Siguro dahil sa sinabi ni Waxy? "Pasensya ka na kay Waxy bro, madami na kasi siyang hindi alam about sa amin ni Trix."

"Friend niyo siya dati? I mean nuong kayo pa ni Angel?"

"Oo, close friend ko siya."

"Teka, naaalala mo ng kaibigan mo siya nung tayo pa? 'Di ba hanggang foundation day lang 'yong alaala mo?"

Minsan talaga nadudulas ako kay Angel pero buti na lang magaling ako magpalusot. "Sinabi sa'kin ni Anya lahat, pagkatapos kong maaksidente ulit. Para man lang makabawi siya sa kasalanan niya sa'kin."

"Akala ko naman naalala mo na lahat."

"Kailangan pa bang bumalik 'yong alaala ni Skie, Angel?" Biglang singit ni Caleb. Hindi na maganda 'yong nakikita ko. Nagseselos ba si Caleb sa'kin? "Okay na naman kahit wag ng bumalik 'yong alaala niya, masaya na ako kung ano man si Skie ngayon."

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now